Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2011
Nasasabi mo pa ba na "Kamusta ka?"

Sa dami ng mga kung anong bagay na iyong ginagawa?

Nasasabi mo rin ba na "Kailangan kita"

O hindi na dahil sa makasarili ka?



Nasasabi mo pa ba na "Masaya akong kasama ka"

Sa kabila ng mga problema **** karamay kita?

Nasasabi mo rin ba na "Ingat ka ha"

Sa araw araw ng pamumuhay mo, ako kaya'y naaalala pa?



Mahirap intindihin at masakit isipin

At sadyang nakakabobong unawain

Na ang taong minahal mo

Ay siya pang mananakit sayo
Karl Gerald Saul
Written by
Karl Gerald Saul  Quezon City, Metro Manila
(Quezon City, Metro Manila)   
5.2k
     --- and Chrys Pages
Please log in to view and add comments on poems