Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napaos" poems
#092516 Sumasabay saking pag-ibig ang pagluha ng langit Sumasabay sa ihip ang bulong ng damdaming "Tama na, bitiwan mo na sya." "Tama na't bumangon ka na." Parang tubig na maingay sa bubungan Ang tinig **** minsang Himig na pinakaiingatan Parang butil na hindi mahawakan Ang pagtibok ng puso kong iyong sinusugatan. Ilang beses man akong umasa Mga salita mo ma'y tila kilig lamang sa umpisa Naglaho na lang ang lahat, Pano na ang tayong sabi mo ay alamat? Tama na ang paasang mga salita Tama na ang pagbihag sa mga pusong pariwara **Tama na ang mistulang sabi **** "mahal kita"** Pagkat alam kong ikaw yung tipong* Palaruan lamang ang tingin sa Tadhana. Bibitawan ka na, pagkat tapos na Parang lirikong nalaos nang bigla Parang boses na napaos na parang bula Nagbago, naglaho, oo, mistulang alaala
0
Sep 25, 2016
Sep 25, 2016 at 6:32 AM UTC
Nagmahal, Nasaktan, Nagbago (Bitaw Na)
Isang lukot na papel ang natutulog sa harap ng lampara Nagparamdam at hinila ako patayo sa aking kama Sa aking pagbuklat, nakita ko kung gaano nagkalasug-lasog ang mga letra Kung gaano nasaktan ang bawat linya Sa pagaakalang dito matatapos ang buong kabanata Sa pagaakalang naghihikahos na ang mga salita Kaya akin ng sisimulan ang huling talata Mahal nandito na ko sa likuran ng pahina Kung saan iginuguhit ko ang maganda **** pigura Kung saan hindi na kailangan ng matinding pagbubura Sa mga linyang lagpas-lagpas na Sa mga kurbang di perpekto ang pagkakagawa Ngunit pasensya na Pasensya na dahil gumagabi na At wala ng espasyo ang boses ko sa loob ng kartera Pasensya na dahil tuluyan ng napaos ang mga pantig sa huling kabanata Nagsawa na sa bawat pigurang ginuguhit Sa bawat salitang inuukit Kaya mahal patawad Hindi ko sinasadiyang mahalin ka gamit ang itim na tinta
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 4:30 AM UTC
ITIM NA TINTA