Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aphotic blue Jul 2017
una sa lahat marami akong katanungan
lalo na sa araw ng iyong pag iwan
kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito
tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo

aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo
totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto?
isa pang katanungan, bakit moko ginaganito?
hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento?

bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit
isa doon ang iyong inalay  na "mahal ko ito'y isang awit"
ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib
animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig
inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig
hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig
gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig.
ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid.
gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip
bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata
ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa
bigla akong pumikit at tiniis ang sakit
ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit
ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
©aphoticblue
072924

O kayraming pangarap na binuo —
Binuno sa sariling salamangka.
May ibang nagwawaging nakangiti,
Habang ang ila’y nalalagas kamamadali.

Nakamamangha nga sa umpisa
Pagkat ito ang batayan ng karamihan
Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.”

Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik
Bagamat sa mga sandaling iyo’y
Gusto ko na lamang mapaos
Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan.

Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan
Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan.
Ngunit sa patımpalak na ito’y
Wala naman pala akong ibang kalaban
Kundi ang sarılı kong anino,
Ang kumunoy ng aking nakaraan.

Madilim —
Madilim ang paligid saanman ako dumako.
May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag?
Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko.

Mahiwaga —
Ganyan nila ituring ang mga alitaptap
Na para bang may isang diwatang
Umaaliw sa kanila,
Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng
Wala naman palang kabuluhan
Kaya’t sabay-sabay silang mauubos
Na parang mga paupos na kandaling
Wala nang balak na sindihan pa.

Sino nga ba?
Sino nga ba ang aking susundan?
Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap
Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan
Nang mabaon na rin sa limot
Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan.

Tinatanong ko ang sarili
Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan?
Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito?
Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari?
At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag?

Ako at ang kadiliman
Ako at ang liwanag.
Sino nga ba ang pamato?
Sino nga ba ang tunay na kalaban?

Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang,
Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan.
At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y
Sigurado pa rin akong
May liwanag pa rin sa aking sinusundan.

Ikaw, Anong tantya mo?
Makararating ka rin ba sa dulo?
Ikaw, anong pasya mo?
Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
AndIFell Oct 2016
Tantanan mo ko
Hindi ako nagbabanta upang takutin ka
Hindi nga ako nagbabanta e

Tigilan mo ko
Kasi sa bawat tawag mo
Nanlulumo ako
Sa bawat hiling mo
Sa mga bagay na wala naman ako
Mas nararamdaman ko
Na may kulang
Na may mga bagay na wala talaga sa akin kahit anong hanap ko

Alam kong trabaho mo yan
Pero please
Matuto ka namang makinig
Kasi sinubukan naman kitang pakinggan
Wala lang talaga akong maisagot
Nagbayad na nga. Nagbayad na . Nagbayad na.
Taltoy Apr 2017
Ninanais malaman,
Ninanais tuldukan,
Pagkat di ko kaya,
'tong bagay na mawala.

Araw-araw nanlulumo,
Mundo'y dahan-dahang gumuguho,
Mga luha'y para bang tutulo,
Kapag naisip sa paninibugho.

Di magawang magsalita,
Kahit man lang mangamusta,
Sadyang takot lang talaga,
Pagkat alam na nagkasala.

Di kayang sa lahat, ikaw,
Ikaw, na minsa'y aking ilaw,
Sa landas na kay tarik,
Di alam kung anong masasapit.

Mistulang imposible,
Na tanggapin mo 'tong aking "sorry",
Ngunit ako naman sana'y paniwalaan mo,
Ito'y totoo, o sinta ko.
I just want to write and post. LOL

— The End —