Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakahandang" poems
Minsan sa buhay natin, kahit alam natin na tag-araw, may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw. Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan, May ilan naghahanap na punong masisilungan, ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan, pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan. May mga nakahandang armas na payong naman ang iba, ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa, na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin, na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain. Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak, may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak, may mga batang masayang naglalaro habang naliligo, na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero. Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao, Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo. ang mga patak nito'y sadyang maliliit - kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit. Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid, Saan ka dito sa aking mga nabanggit? Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan, Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
0
Sep 13, 2013
Sep 13, 2013 at 12:14 AM UTC
Ulan sa Tag-Araw
Sino ka para limitahan ako sa making kalayaan sa murang edad na kung tutuusin ay batbat pa ng pakikipagsapalaran? Maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, syatong at bahay kubo sa bakuran ni Tagean-Tallano; unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon at mapagtanto ang kabuluhan na sa pagkakadapa'y matutong bumangon, ang mali at itama at ituwid ang baliko; Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo. Sino ka? Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay; Akong sinasabing 'pag-asa ng' inyong 'bayan' ngayon ba'y magiging kalaban ng estado't pamahalaan, nang batas ng taong tutugis at pipiit sa akin sa loob ng kulungang nakahandang pumatay ng kinabukasan? Ako dapat ay malaya, malayang maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, syatong at bahay kubo sa bakuran ni Tagean-Tallano; unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon at mapagtanto ang kabuluhan na sa pagkakadapa'y matutong bumangon, ang mali at itama at ituwid ang baliko; Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
0
Apr 17, 2019
Apr 17, 2019 at 7:14 AM UTC
Ako Dapat ay Malaya
Kung mapapansin mo Sa bawat kanta Bawat himig Bawat talata ng liriko Sa bawat musika Na inaalay sayo Ikaw ang ibig sabihin, Ang tayo ang pinapahiwatig, Ang pagibig ko sayo ay pinapakita Ito'y simpleng pagpapakita Kung gano kita kagusto Kung gano kita kamahal Kung gano ka kaimportante Handa akong ibigay lahat Lahat ng listahan ng matatamis na kanta Sa kadahilanang hindi ako umaawit Napapa awit lamang kapag nakikitang kinikilig ka Okaya napapangiti ka Pwede naring napapasabay ka sa awit Sa awit na gusto kong ipahiwatig Bawat puso Bawat ibig sabihin Bawat gusto kong ipahiwatig Sana'y hindi magbago Ang pakikitungo Dahil marami pa Marami pa akong Nakahandang listahan. Salamat at tinanggap mo Lahat ng mga kantang inaalay sayo Huwag magalala ikaw lang Ang binigyan ko ng mga kantang Minsan lamang madinig Ng karamihan.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 4:28 AM UTC
Kanta, musika at liriko
Isang manunulat, Isang panulat, Humanda para sa gyera, Ito ay labanan gamit ang mga letra. Hindi papaawat, Nakahandang sumisid sa dagat, Walang pakialam sa kahahantungan, Buhay ay ilalaan. Lilikha na mga kataga, Panigurado itong maiiwan sa puso ng madla, Ano nga ba ang pakay? Alisin sainyong mata ang tamlay! Uubusin ang bawat salita, Na posibleng tumugma, Sa sakit, Pait, Galit, Hinanakit, Ng bawat taong sa rehas ay nakapiit. Isang manunulat, Isang panulat, Humanda para sa paglaya, Huwag hahayaang muling tumulo ang mga luha.
0
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 11:53 AM UTC
Muling Umahon