Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Jun 2018
Lumalala nanaman ang aking isip , kakaisip,
Kailan ba ako matututong makisalamuha sa mga tao?
Palagi ko nalang sinisilip ,
Ang bawat laman ng kanilang mensahe habang humihigop sa isang baso

Ng kape na mainit,dagdag kaba sa sarili kong hindi ko maipinta
Sa sarili kong nagpapagaling pa,
Wala akong lagnat , Hindi nga lang marunong kumalma
Ang utak ko'y pagod na pagod na sa mga ideyang kakaiba at di ko alam kung san papunta

Ang isip ko na di ko mapakalma,
Nararamdaman ba nila , o patuloy paring humahalakhak
Sa kalagayan kong patay na patay na,
Kaya minsan ayaw ko ng kasama, di ko kasi maipaliwanag sa kanila na

Ako'y biktima lamang ng kalungkutan ,
Biktima ng nakaraan at kasalukuyan
May mga bagay lang talaga na madalas kong makalimutan,
madalas ding matandaan , (ako'y nagpapagaling pa at dahang-dahang nagpapakalma)
Tag-Ulan
Jun Lit Oct 2021
Malambot ang kalimbahin,
talulot ng bulaklak na rosas,
tamang-tama sa pagpapagaan
ng masakit na pakiramdam
ng puro pasâ at bugbog-saradong lila
ng sugatang puso ng isang bansa -
sinugatan ng mga taon ng panggagahasa
ng mga pulitiko, at panghahalay
sa ekonomiya at lipunan.
Nagpapagaling ang kalimbahin.

Tamang timpla ang kalimbahin
ng matingkad na pulang dugo,
inialay ng mga bayani, nag-aalab sa banal
na pag-ibig, pagnanasang lumaban
para sa kalayaang tila napakailap
sa lahing puno ng kasawian
at ng dalisay na puting diwa
ng mga duminig sa tawag ng sambayanan
di alintana ang sarili, busilak tulad ng papel
na walang sulat, na sa ibabaw n’ya
ay mahihiyang maglapat ang isang makata
ng mga talatang sambay-bakod kumbaga.
Masaklaw ang kalimbahin.

Maliwanag ang kalimbahin
litaw na litaw sa tila itim
ng gabing pinakamadilim
sa ating sinalantang kapuluan,
at sa malabo, lalong kumukupas
na pangungunyapit ng bughaw-lilang kalangitan
subalit may sumisilip na’t nagpapalakas-loob
na sinag ng dilaw na araw muli, nababanaag
ang bagong Pag-asa ay binabasag
ang nakabalot na karimlan,
nagbabadya, ibinabaybay
ang ating kaligtasan
bilang isang bayan –
At kalimbahin ang kulay
ng bukang-liwayway.
This is the Tagalog translation of the previous poem "Pink."
Brielle Aug 30
Bawat gabi, buwan ay palaging sumisipot,
Puso ko'y sugatan, hindi makatulog.
Sa mga nakaraang nais kalimutan,
Hindi tumitigil, para bang walang katapusan.

Pero sa bawat paghinga, sino ba ang tinatanaw?
Napaisip ako, ikaw pala aking minamahal.
Makita lang kita, pait ng kahapon ay nawawala,
Pag ibig kong ito, lalong lumalala.

Boses mo ay tila mga awit,
Sa sakit kong ito, ikaw ang nagpapagaling.
Mga yakap mo lang ay maramdaman ko,
Tingnan mo sinta, mga sakit ko'y naglalaho.
Kahit malalim man ang sakit,
Ikaw lang sinta ang nagpapagaling.
Kaya sa puso kong ito,
Ikaw ang tunay na damdamin.

Kaya't sa pagdating ng gabi,
Asahan **** ako'y magmamaliw
Sa mga labi **** matatamis.

Kaya tandaan mo sinta,
ikaw ang lunas sa sakit na kirot,
Aking mahal, ikaw ay aking gamot.
#pagmamahal #tagaloglove

— The End —