Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Naranasan mo na bang magkaroon ng crush? Siyempre oo! Sino ba naman ang hindi mararanasan iyon? Sabi mga nila, abnormal saw ang walang crush.
      Minsan sila ang dahilan kung bakit ka nag-aaral ng maayos. Sila ang dahilan kung bakit ka nag-aayos ng buhok, nagpupulbos, pumoporma, at marami pang iba.
      Siyempre, para saan ba iyon? Para magustuhan ka o kaya ay mapansin.
      Minsan mga kahit simpleng pagsasabi sa iyo ng crush mo ng "hi" ay halos mabugbog mo na iyong katabi o kaya ang kaibigan mo sa sobrang kilig.
      Pero minsan, hindi mo maiwasang magselos sa mga ka-close niya.
      Grabe, di ba? Kahit simpleng crush lang iyon, nagseselos ka pa rin, at minsan dumarating sa time na kailangang mag-move on kahit wala kayong relasyon.
      Pero paano kapag nalaman mo na may syota pala siya? Kahit crush mo lang, siyempre masakit pa rin. Kasi umasa ka rin naman na sana magustuhan ka niya.
      Bakit ka umaasa? Dahil nadala ka sa imagination mo, like magiging kayo o liligawan ka niya.
      Hindi naman lahat ng imagination ay nagkakatotoo. Sabihin naging 30% pwedeng magkatotoo pero 70% pa rin ang imposible. Kaya mga sabi nila, "Expectation is the root of all heartaches."
      Dapat matuto tayong kpntoplin ang sariling nararamdaman dahil hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.
      Ang pag-ibig ay kusang darating dahil bawat tao ay may nakalaang makakasama habangbuhay. Mga bata pa tayo para royan, Hindi pa natin kayang buhayin ang sarili natin.
     May oras na dapat itabi ang mga pansarili at unahin ang makabubuti.
President Snow Oct 2017
Kaya pala...

Kaya pala hindi nagkakatotoo ang mga hiling ko
sa tuwing sasapit ang 11:11,
hindi pala tama ang oras nitong orasan ko
Nahuhuli pala ito ng ilang minuto.


Ganon naman tayo diba?

Lagi nalang wala sa timing.
Badtrip.
So ayun nga. I discovered na late pala ng 3mins ang orasan ko sa phone. Akala ko naka automatic, hindi palaXD
solEmn oaSis Apr 13
Kailangan ko pa ba talaga ipamukha sayo yung mga pagkakataon na pinababalikat mo sa akin yung mga sandaling di ka makatayo sa sarili **** mga paa.
Gayon pa man tiklop-tuhod akong tumatalima sayo kasi nga mulat ka sa pagiging bukas-palad ko.
Ako naman pikit-matang nilulunok yung mga pride na meron ako kahit pa Alam Kong mapapasubo ako doon sa mga kamay na bakal kung saan hawak tayo sa leeg.
eh Kasi nga kargo kita. Kahit ano pa mangyari hanggang sa Huli , ako pa din ang magsisilbing kinatawan mo !
mga binti at sandugo sa braso
pati nga saradong kamao
ang tinataya ko kahit wala yon sa aking plano
Para lang mapugto at mapanuto
ang bawat buntong hininga mo

pero bakit tila yata
Kulang pa rin aking panlabas na anatomiya
Daig ko pa ang nananahan sa turok ng anestisya...
Lamang-Loob ko ba ang siyang dapat na
maialay o konsensya?
Sabihin mo mang wala akong puso sa tuwinang pawis at luha ang aking batayan Kung bakit ang bigat sa aking pakiramdam na ikay nabibigo ng mga payo ko sayo na kinakasama ng yong kalooban marahil Kung minsan.

Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
Hanggang kailan mo ako paninindigan ng aking mga balahibo sa balat ?
Kapag huli na ba ang lahat ?
Sana naman dumating na sa atin
Yung mga araw at oras na ating aralin
Mga hiblang gabuhok para wala na tayong susuyurin..
Kasi nagkakatotoo rin ang pahiwatig ng pulso at mga maseL,,,
Di lang Anghel at kaluluwa ang pwedeng magmensahe ng mga dapat nating tulak-kabigin !

Ngayon sana Langhap mo na yung parirala kahit hindi buo ang diwa...
Kasi.....
may tainga ang Lupa
may pakpak ang balita
Bukas makalawa di ko na magagawa pang sa harapan mo na.. magsalubong ang mga kilay ko kasi... siguro tinik sa lalamunan mo ako kung ituring.
Pero ang lahat ng pangugusap Kong ito ay talata na ngayon ng bawat kabanata na minsan ko nang pinalipad sa hangin bilang isang Pasaring.

" sibuyas "
ni : © solEmn oaSis
The february 25
EDSA day commemoration

written- 02-21-2024
Magkaisa !
Ayan po ang malalim na diwa hatid at dulot ng Mga nangyari noong mil nueve syentos otchenta y sais.

9 na taon akuh po nun..
Tanging laro ang hilig
Wala pa pong alam sa pag-ibig
Pero po Dahil sa EDSA People power nun...

Minahal kuh po ang literatura
Sanhi ng mga kulumpon ng mga kulay dilaw at pula.
Di pa uso celfon kodak pa lang ang hawak ng mga Litratista...
Pero sabi kuh sa sarili kuh po balang araw magiging Letra-tista din ako sa tulong ng Demokrasya

Hanggang sa marinig kuh po sa tv na black n white pa nun ng kapitbahay namin sa malabon yung awiting
" magkaisa "
Duon naman po akuh napamahal sa musika at nag umpisang sumulat ng sa-ganang-AKIN nmn po ngunit walang himig kaya nmn nauwe n lamang akuh sa paggawa ng mga tula bilang aking diversion at paraan upang maging isang DIARY kuh po ng mga kaganapan sa mga buhay-pakikisalamuha sa kapwa at mga mahal sa buhay  kalakip ang kanilang kwento ng pakikipagsapalaran.
Ang Pag-asa sa gitna ng Kapayapaan nawa ay manatili magpa kailan man

— The End —