Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AUGUST Sep 2018
margaret

Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig
Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig
Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig
Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig

Maari bang malaman ang yong pakay sa akin
Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin?
Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin
Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin?

Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga
Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa
Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa
Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa

Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan?
Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman
Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang
Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang

Alaalang bitbit pano ko makakalimutan
Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan
Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban
Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan.

Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo
Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo
Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno,
Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo?

Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo
Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso
Sayo napalapit at ayaw nang lumayo
Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko

kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay
Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay
Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal
Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
Para sa taong minahal ko ng minsan, ito ang tulang di ko naiparating sa kanya.

Ngayon alam ko na kung gaano siya kahalaga, kung kailan wala na.
Angela Gregorio Nov 2017
Noong araw na umamin ka
Pikit matang sinabing, gusto kita
Meron akong biglang nadama
Dapat nga bang ipakita?

Habang nakikinig sa iyong tinig
May pagaalinlangang nadinig
Tama nga bang making
Sa nilalaman ng aking dibdib?

Binigyang pagkakataon
Sinubok natin ang kahapon
Ngunit bakit ganoon
Di ko na alam ngayon

Takot akong aminin sa sarili
Na baka ako'y nagkamali
Pero mas takot akong aminin
Na baka ako'y nakasakit

Gusto kitang palayain
Dahil di kita kayang yakapin
Bigyang paumanhin
Hindi nais ika'y paasahin
J Nov 2015
Ang dami ko nang nagawang tula,
Pero masasabi ko na isa ito sa paborito kong nagawa,

Bumalik tayo sa oras,
Sa oras na nakalipas,
Habang ako'y naglalakbay,
Nakita ko ang mga panahon na ako'y sumablay,

Natawa nalang ako sa aking nakita,
Nadinig ko ang mga mapapait at matatamis na salita,
Nakita ko ang mga taong humulma sakin,
Nais ko sana silang tanungin.

Ngunit hindi sapat ang aking oras,
Sa oras na lahat ng larawan ay nagsimula ng kumupas,
Nakita kita na paparating,
Hindi ko napigilan na tumitig at mapatingin.

Oo itong mga matang ito napatitig sayo,
Sabay bulong sa hangin na sana maging tayo.
May mga panahong napapaisip ka at napapahiling na sana sabihin niya ang mga salitang matagal mo ng hinihintay. "Mahal din kita"
kingjay Dec 2018
Ang panggagaway ay sinukat na plano
Nadinig ang umanas na demonyo
Marahil di itinadhana
Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim

Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto
Sila'y maging alipin
Lumagablab ang raya
Naupod parang sigaro ang katinuan
Walang sumansala sa hangad

Lumapit na  ang liyag
Tulala habang bumalisbis ang luha
Dinukot ang puso niya't nilunok
Mamamatay kung hindi maaangkin

Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa
para tumahi ng isang hiraya
Sapagkat di maipahayag nang harap harapan
kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta

Pinalipad gaya ng saranggola
Ang guryon ay mahigpit na tinalian
Sa kalaunan, napugto ang sinulid
Nakalaya sa pagkabigkis
yndnmncnll Aug 2023
Lumalalim na ang gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Ikaw lamang ang nais kong makatabi
At ang aking gustong makapiling
Oh, paligaw-ligaw tingin
Ikaw lamang ang tanging minimithi

Ayoko munang umuwi
Dito ka muna sa aking tabi
Ayoko nang sa iyo ay mawalay pa
Huwag mo na akong iwan pa

Huwag muna tayong umuwi
Kay sarap pagmasdan ng buwan ngayong gabi
Hawak ang iyong kamay at lasap ang preskong hangin
Ngayo'y nadinig na aking panalangin

Kay sarap pagmasdan ng mga tala
Singkislap ng iyong mga mata
Hawakan mo lamang ang aking kamay
At tayo ay nakatingala sa alapaap
Ikaw lamang ang aking sinisinta, aking pinapangarap
Ang aking minahal ng tunay

Sapagkat hanap ng puso ko'y ikaw
At wala nang iba pa
Dahil mahal kang talaga
Ibubuhos lahat ng pagmamahal at oras sa iyo
Habang ako ay nandito pa sa mundong ibabaw
Ako ay nangungulila sa tuwing tayo ay magkalayo

Sa iyo lamang ako uuwi
Sa iyo lamang ako mananatili
Ikaw lamang ang aking nag-iisang, sinisinta

— The End —