Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Galit na namuo sa bawat tao,
Kakaiba kung dumayo,
Hahamakin ang iyong pagkatao,
Ikaw, kayo, tayong lahat magpakatotoo.

Galit-----anong klase ka kung ika'y humagupit,
Sa pusong sawi at naiipit,
Wala kang itinitira sobra **** lupit.

Ang pwersa mo'y mala-delubyo,
Lakas mo'y katumbas ng bagyo,
Hindi ka pumo preno,
Tiyak ika'y may ikinukubling misteryo.

Sinuman ang di mag-ingat ay matatangay sa dumadaragsang alon nito,
Sapagkat ito'y may elemento,
Ito'y hindi mo mababana-ag o mapagtatanto,
Di mo mawari kung ano,
Kaya't pigilan mo,
Kung nararamdaman **** ito'y papalapit sa'yo.


Labanan ang .......

Galit ng paulit-ulit,
Minsan ito'y makulit,
at nagpupumilit,
Ngunit sa luhi kung ito'y mapagtagumpayan mo napakasulit,
Bakit?
Makakamit mo ang isang aral na maliit,
Ngunit nagpapalaya sa damdamin na puno ng sakit,
Na para bang ang kaluluwa mo'y nawalan ng hinanakit,
at sa tuwina'y nakaka-akit,
Mula sa isang taong nagkakamit,
Mistulang bituin sa langit,
Napaka-marikit!
Nagniningning! mistulang sa tahanan nakasabit.
Lahat ng tao'y dumarating sa puntong nauubusan ng pasensya at kapag napuno ka sasabog ang di kana-is nais na pag-uugali. Kaya't marapat itong pigilan sa pamamagitan ng pagdarasal bawat segundo na ika'y namamalagi dito sa mundong huwad at mandaraya.Labanan mo ang pwersang ito.Gawin **** sandigan ang Panginoon.
J Mar 2016
Hayaan mo na hawakan kita,
Sa mga oras na hindi mo na kaya,
Huwag **** bibitawan ang aking kamay,
Pag lumakas ang alon at hindi alam san tayo matatangay.

Hayaan **** haplusin kita,
Hahaplusin sa mga oras na masakit na,
Punasan ang bawat luha; sapagka’t
Ito’y makakalimutan at maghihilom din ang sugat.

Hayaan **** yakapin kita,
Kahit sa mga oras na masaya o malungkot ka,
Hihigpitan at babalutin para iyong madama,
Na ako’y nandito sa hirap man o ginhawa.

Hayaan **** ipakita ko ang lahat ng ito.
*Para malaman mo sa lahat ng oras ako’y naririto.
Hayaan mo na may taong gumawa sayo ng mga bagay na ginagawa mo sa iba dahil dito mo mararamdaman kung gaano kasarap magkaroon ng isang katulad mo.
kingjay Sep 2019
Mahal ko'y ubod ng ganda
Dikit na nakakagiliw sinuman makakita
At nang minsan lumapit at nagpakilala
Sinunggaban ako't niyakap niya

Kulang lang kami'y maghalikan
Sa aming mahabang pagtitinginan
Dubdob na kay laki
ng silakbo ng pag-iibig

Ngunit nang makadaan
Sa isang maliit na pamilihan
Nakita ko na may ibang kalampungan
Nanibugho ako nang umuulan

Sa pag uwi ng bahay
Dahan dahan na humimlay
Sa higaang yari sa kawayan
At tirahan na parang sa ihip ng hangin ay matatangay

May saysay pa ba ang pagluha?
Kahit wala man, patunay pa rin na ako'y umiibig na
Totoo man ang nararamdaman
Ano ang aking maipagmamayabang

Talagang daig nga ng mayaman ang mahirap
Sa isip, salita at sa gawa
O sadyang may katumbas na ang bawat bagay
Para ang pagmamahal din ay mabili't maagaw

Iisipin ko na lang na  ito'y para rin sa kapakanan niya
Di na lilingon o magkikita
Sana'y balang araw malaman niya
Na ako'y di hamak na isang tao
Kapag umiibig na
zee Jun 2020
ang mga paa'y dinala ako sa tapat ng aking bintana
doon nasulyapan ang kabilugan ng buwan at pagkinang ng mga tala
ngunit ang isipa'y nananatiling balisa; tila naghahanap ng himala
'di malaman-laman kung saan at papaano mag simula

aking hiniling sa nag-iisang bituing nagniningning
na sana'y dinggin ang aking panalangin
nawa'y pakinggan ng uniberso at tuparin ang aking mga plano
ituro lang tamang landas kung saan ako tutungo

ngunit balewala lahat ng hinaing kung mananaig ang daing
'wag pilitin ang sarili; hintaying sumiklab ang apoy na nanalaytay sa'yong puso't damdamin
'wag ikumpara sa iba ang sarili 'pagkat ikaw ay may sariling istorya rin

madilim man ang landas ang iyong tatahakin; kumpiyansa sa sarili'y matatangay pati na ng hangin
ang mga buwan at ang mga tala'y makikidalamhati sa'yong pighati
ngunit ang kanilang pagningning sa kabila ng bumabalot na dilim ang magsisilbing ilaw—
liwanag at daan na magsisilbing palatandaan na darating din ang iyong araw
novembergirl Nov 2018
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin?
Simula't sapul hanga ako sa iyong angking
Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing
Napukaw mo ang aking damdamin

Noo'y di lingid sa aking kaalaman
Ikaw pala ay aking magiging kaibigan
Usap nang konti, tawanan sandali
Marupok na puso'y pilit winawaglit

Mali bang ika'y aking pangarapin?
Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin
Konting asaran na lang at ako'y matatangay
Sa iyong mga matang laging nagpupugay

Ngunit sabihin man nating gusto kita
Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa
Takot masira kung anong meron tayo
Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
Louise Nov 2024
Maaaring nagsisinungaling ang mga makata.
Nalilimutan ko na ang tunog ng iyong tawa.
Pinipilit maalala ang iyong tinig sa tuwina.
Tulungan mo akong maalala.
Baka nga sinungaling ang makata.
Inuukit sa isip ang mga salitang binitawan.
Binabaybay sa tula, binubuo sa iyong wika.
Tulungan mo akong gunitain ka.
Baka nga isang krimen ang sumulat ng tula.
Kada letra ay lenggwaheng naglalakbay,
Kada pahina ay anod na di matatangay.
Tulungan mo akong lumutang.
Baka nga kriminal ang maging makata.
Nalulunod sa tinta ng pagkalumbay,
sa ilalim ng alon ng paghihintay.
Tulungan mo akong tumula.
Maligaya at mapagpalayang Pambansang Araw ng Pagtula! 🇵🇭🪶📜

— The End —