Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masumpungan" poems
Hindi naman ako galit Sayo'y hindi naman inis Katapatan ganon parin Kaibiga'y maramdamin Patawad unang sambit Nitong kaibigan ay hibik Paumanhin nawa'y kamtin Siyang aking panalangin Sama ng loob ang dulot Kaibigang aking nilimot Ngunit hindi nayayamot Mawala ka'y aking takot Tawanan laging naaalala Biruan nating masasaya Payo mo'y pumapayapa Ng pusong lagi lumuluha Sanay 'wag akong limutin Kaibigan nagtatampo din Gaya mo rin, may suliranin Araw-araw aking pasanin. Patawad kung nahirapan na ako ay pakisamahan Patawad kung di masiyahan na ako ay pakitunguhan Sanay huwag magsawa Laging may laan na unawa Kahit minsan nagagawa Sayo'y hindi na nakatutuwa Mga salitang akin nabitawan Pawang totoong kahulugan Subalit kaaway pinipigilan Ang pagbabagong inaasam Ngunit iyong laging tandaan Oh aking mahal na kaibigan Ikaw siyang kinasangkapan Upang tungkuli'y masumpungan Salamat sa Dios sa tulad mo Sa mabubuting aral at payo Ako'y walang kabuluhang tao Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
0
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 9:15 AM UTC
Kaibigang Tunay
Nasumpungan kitang nakabilad Sa liwanag ng araw, isang imaheng Nakalantad, huwad na anyo ng Ritwal ng pagpupugay. Sa iyong Anino'y nakasilong ang mga lantay Na tayutay ng hungkag na lipunan. Nariyan ang puta, pulubi, butas na lata, Gago't ganid na pulitiko, librong limot, Bendor ng droga, banal na aso... Lahat sila ay mga ”sila" na minsan **** Pinagtangkaang silaba't silain sa sulo ng Mapagpalayang kamalayan. Kamatayan. Nasumpungan kitang nakabilad sa Nakakabagabag na liwanag. Isang buhay Na moog ng kalayaa't kasarinlan, Kanlungan ng mga supremo ng rebolusyon Ng paglikha't pagsilang sa kakanyahang Iginapos sa lumang mundong lalang ng Iyong panahon. Kami na mga gamo-gamo Ng lumang simoy ay patuloy na isisiwalat Yaong hindi masumpungan sa lambong Ng liwanag na pinaningas ng iyong dugo. Nawa'y matagpuan ka nila.
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 6:57 AM UTC
Nasaan ka Rizal?
Nakahigang pilit na nagmamasid Sa madilim na apat na sulok ng silid Ang sakit ay hindi pa rin lingid Kahit na tiyak ang luhang nangingilid Binabalot ng malamig na kalungkutan Ang puso'ng di alam kung nahihirapan Humahanap ng kumot sa isipan Mainit na yakap sana'y masumpungan Heto na nga at nalulunod na ako At hininga'y kinakapos sa isipan ko Pakiusap sana'y panaginip na lang ito Sapagkat sa paglangoy pagod na ako Isipan ay lubos akong pinahihirapan Tila laging mayroong digmaan Sa silid ng nakabibinging katahimikan Ang isip ay matinding naglalaban Sumapit na ang umaga Ako'y wagi sa pakikibaka Sa kalabang sariling likha Ng isipang puno ng katha
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:17 AM UTC
Silid
Mga balang nagliliparan Sa lahat ng panig nagpapalitan Sa mga sandaling hindi mapigilan Buhay ang binabayaran Sigaw ng isa ay kalayaan At ang kabila ay kayamanan Sana'y mayroong hangganan Hiling ng mga nasusugatan Isusugal ang lahat upang makamit Ang bagay na iginigiit Nang puso na lahat ay ipagpapalit Upang masumpungan ang mas lalo pang higit Sa kalayaan ay walang pag-big Dugo ang kanilang tubig Armas ang kanilang bibig Dahas ang nakasulat sa mga bisig Ang pag kitil nga ba ang sagot Sa lahat ng ating mga sigalot? Tila ba lubusan nang nakalimot At sa sanlibutan ay nagmistulang mga salot
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 1:57 PM UTC
Digmaan
Pag-ibig ang naging sanhi Ng mga luhang dala ng sakit At pagkawasak ng pusong Matagal na iningatan, Sa isang iglap ay muling nasaktan. Pag-ibig ang naging dahilan Ng labis na pangamba ng pusong luhaan Kung kaya't inakalang 'di na magmamahal Ngunit muli ay aking napatunayan Pag-ibig muli ang nagbigay-daan. Pag-ibig, hinanap ko kahit saan Tiwala, ibinigay ngunit hindi man lang nasuklian Hindi mawari kung bakit lagi na lang Ang sabi nila'y pag-ibig ang sagot sa pusong nalulumbay Pero bakit di masumpungan, ano ba ang aking taglay? Pag-ibig na hindi ko naisip na darating pa Isang araw ng ika'y aking makilala Pinilit kong ipinid ang pusong takot na Nagmatigas man ang puso, pero sa hindi inaakala Isip na ang nagpasya na pagbigyan pa Pag-ibig, hindi ko alam na nariyan ka na pala. Alam kong mahirap hulihin ang puso Lalo pa't ito'y nababalot na ng galit at takot Ngunit hindi mo pinansin ang lahat ng ito Ipinagpatuloy pa rin dahil mukhang alam na alam mo Na ikaw ay para sa'kin, at ako'y para sa'yo. Natakot akong mahalin ka dahil ilang beses nang lumuha At nangako sa sarili na hindi na ito mauulit pa Ang muli pang masaktan ay 'di na makakaya Ngunit ang sabi mo nga ay ibang iba ka Kung kaya't pinagbigyan ang iyong pusong umaasa. Tinanggap ko ang pag-ibig na iyong inialay Hinayaan kong ang ating mga damdami'y magkapalagay Binuksang muli ang puso kahit alam kong may takot pa Pinili kong papasukin ka dahil aking nakita Sa iyong mga mata ay may pagtingin na kakaiba. Pag-ibig, hindi ko alam kung kailan ako naging handa Pero para sa iyo, nagpasya akong muling maging malaya Mula sa mapait na nakaraan na siyang bumalakid Ngayo'y natagpuan ka, at muli kong nabatid Kung paanong maging masaya sa piling ng isang tunay na umiibig. Salamat, dahil nariyan ka na. Salamat, dahil sinagip mo ang pusong wasak na wasak na. Salamat, dahil muli kong nadama ang tunay na pagmamahal. Salamat, dahil naramdaman kong ako'y mahalaga pa. Salamat, dahil natuklasan kong maaari pa akong lumigaya. Pag-ibig, kaya na kitang ibigay muli Sa isang espesyal na tao na sa aki'y muling nagpangiti Pag-ibig na buo, tapat, wagas at dalisay Isusukli sa pusong nagmamahal sa akin ng tunay Hindi magdadalawang-isip na ibigay ang buong puso Sa taong minahal at tinanggap kung sino ako. Pag-ibig, kaysarap **** madama Lalo pa't ramdam kong ayaw ko nang umibig pa sa iba Natagpuan na ang taong nais kong makasama Hanggang sa pinakahuli kong hininga Na hiram sa Diyos na sa atin ay lumikha. Tayo ang laman ng kwento ng Maykapal Pinagtagpo upang maging patunay na may totoong pagmamahal Pinaranas man sa atin noon ang sakit na dulot ng pag-ibig Ang nakaraan ay hindi na muling manunumbalik Dahil sa isa't isa, pag-ibig lang ang mamumutawi. Pag-ibig, ikaw, ako at ang Diyos Sa atin iikot ang kwento hanggang matapos Sa piling ng Maykapal, kamay ko'y hawakan lang Hindi ako bibitaw hanggang sa dulo ng walang hanggan Sa'yo lang ang pag-ibig ko, sa'yo lang, aking mahal.
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 10:17 AM UTC
Pag-ibig

Continue reading...
67
Aking Buhay ay langit sa piling mo, dahil Nag-aalab sa iyong silay,, aking sinta ang apoy ng pag-ibig ko. Tila mga bara ng ginto na ibinaon sa hukay... itong kaluluwa ko na dinalisay para sa iyo ! hanggang matagpoan mo ang liwanag na alay,, na di ko masumpungan kung di pa sa tulong mo ! Wala akong masabi kapag kapwa tayo masaya, Halos maubo ako sa kakatawa Walang pagsidlan kasi ang aking saya, Sa sandaling nagigisnan ko ang kislap ng 'yong mga mata... Kaya naman ganun din akuh kalungkot.. Kapag ikaw ay nakasimangot, Sa bawat oras ng paalaman natin ay yakap ang gamot ! Hilom sa ating mga damdamin kapag nayayamot... Para bang papalubog na araw na di malalagot ,,,, At tila banda na ang musika ay hindi mapapagot... Ganyan ko lagi tayo tinatandaan sa paraang ikaw lang at ako ang sagot Magkasuyo buong gabi Kapwa mga makatang humahabi Mga tugma natin ay hindi namumutawi Ngunit pilit binibigkas ng ating mga labi Pagkat ang gusto ko ay lagi sa iyong tabi Ikaw ang buhay ko at lagi kitang kabahagi.... Oh wuoooh hoooohh oha Napapaawit na itong tula Ayokong maging isang nakaraang lumala katulad na lamang ng isang Lumilisang Alaala Gaya halimbawa nating d a l a w a Para bang papalubog na araw na di malalagot, o magunaw man ang buong mundo... Ganyan ko lagi tayo tinatandaan sa paraang ikaw lang at ako ang sagot.. Sa aking mga pangambang baka hindi ito innuendo, paano kung sa aking paggising totoo na pala ang mga pasaring doon Sa Kama ng aking paghihintay Hindi na pala tayo magtatanday, sana sa susunod na muli kang magpapakita sa akin sana naman ay hindi na sa panaginip at iyong tiyakin na isa kang buhay na katangian sa riyalidad... at hihintayin kita hanggang dun sa aking pag-edad... Dumalaw ka man o hindi sa pagsapit ng bukas sa aking piling... Patuloy akong mangangarap  habang nananaginip ng gising!!! Gaano man ikaw ka-TARAY Habang ako ay nasa RATAY
0
Mar 19, 2023
Mar 19, 2023 at 8:44 AM UTC
" RATAY "

46