Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makakapigil" poems
Ikaw at ako, tayo Magkahawak kamay na naglalakbay Sa mahiwaga at walang kasiguraduhan na mundo Magiliw na nakatingin sa taas, upang mga tala ay magsilbing gabay Magkasabay nating nilakbay ang gabi Di alintana ang mga nakikita sa paligid Walang pakielam sa mga sabi sabi Walang makakapigil sa mga pusong umiibig Ngunit habang nagalalakbay Unti unting bumibitaw ang 'yong kamay Unti unting lumuluwag ang 'yong hawak Unti unti, habang ako'y nabibiyak Ikaw at ako ay pinaglaruan ng tadhana Tayo na niloko at pinaikot ng mga tala Tayo na pinaniwala ng kalawakan Tayo na na umasa sa walang hanggan Ang mga pangakong walang hanggan Lahat sila'y naging kasinungalingan Ang dating naglalakbay na "tayo" Ay nawala, naging mag isa, naiwan nalang ang "ako"
0
Nov 19, 2016
Nov 19, 2016 at 2:12 AM UTC
Tayo
"Gusto ko nang lumaya, pero alam kong kailangan mo ako." -Dagang Electrically Dextrosed "Pahingi ng kumot, nilalamig na ako." - Kapeng Medyo Mainit (May pinagdaraanan: Evaporation) "Patayin mo na ako habang wala pang nakakakita, tutal, yun at yun lang din naman ang gagawin mo eh!" - Puyat na Fluorescent Lamp "Relax lang, sandal ka lang." - Pasensyosong Silya "Alam ko pagod ka na, tara na." - Kamang Wala sa Lugar "Hinding-hindi kita iiwan." - Mapagmahal na Eyebag "Kailangan naming mag-grow! Walang makakapigil s amin!" - Unstoppable Pimples "Tama na yan!" - Zombie ko
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 4:24 PM UTC
Pabebeng Usapan
maliwanag ang aking paligid ngunit ang isipan ko'y madilim ang iyong tanglaw lang ang makakapigil sa tuluyang muling pag-idlip ng aking mga panalangin ngunit palayo ka nang palayo naghihingalo ang pagkutitap ng aking mga pag-asa bumalik ka naman minsan ipagpatuloy ang nasimulan 'wag mo akong iwanang hinahabol ang aking hinga sa iyong mga salita
0
Jan 20, 2015
Jan 20, 2015 at 8:49 AM UTC
kung pwede lang.
Naririnig ko na ang awit ng mga anghel Naaaninag na ang liwanag, sikat ng araw ay tila ginto at kahel. Maniwala ka, babalikan kita, katulad ng pagbalik ng alon sa baybay. Maniwala ka, hahanapin kita, katulad ng paru-paro sa bulaklak. Naririnig mo na ba ang yapak ng aking paa? Handa na bang maaninag ang aking mukha? Masilayan ngiti kong 'singtamis ng ubas? Maniwala ka, hindi kita nilisan, katulad ng hangin, lagi mo akong kapiling. Maniwala ka, hindi kita lilisanin kailanman, katulad ng oras, laging tatakbo sa iyong tabi. Binasbasan mo ako ng haplos mo, binasbasan din kita ng puso ko. Ito na ang langit, ito ang paraiso. Nandito na tayo, hindi na lalayo. Isusulat ko at ipapahayag sa lahat, babaguhin ang bawat aklat. Pag-ibig ko'y ipagmalaki at iulat, kaluwalhatian ng pag-ibig ay ibunyag. Sa pagbalik ko at sa pagbalik mo sa piling ko, at sa kaligayahan mo... Mananatili, walang pasubali Magwawagi, walang makakapigil Sa muli **** pagdating at sa pagkikitang muli sa kaharian mo, at sa kaluwalhatian mo... Aawit ng papuri, mabagal at mabilis Aawit ng himnong walang mintis
0
Mar 31, 2024
Mar 31, 2024 at 4:36 AM UTC
Domingo de Pascua
—at sa iyong hindi inaasahang pagdating, at sa pagkislap muli ng mga mata tulad ng bitwin— ay marahan mo akong hinagkan ang mga mahigpit **** bisig ang nagsasabi ng iyong pag-ibig— na hindi mabigkas ng iyong bibig. sapat na ang katahimikan na bumabalot sa ating dalawa— para marinig ko ang bulong ng pusong nagmamakaawa. sapat, at sobra sobra ang liwanag ng mga—bitwin at buwan para sa atin. ang musika na nililikha ng iyong paghinga— ay napapaindak ang puso kong pagod na. sa dagat ng mapaglinlang na mga ngiti— ay natagpuan mo ang nangungulila kong labi. at sa bawat pag dampi nito sa'yong noo'y— kusang namumula. tulad nang minsanang pagtatagpo araw— at buwan. wala, wala, at walang makakapigil nang pag-agos ko sayo, at hindi na hahayan na ang mga paru-paro— ay muli pang humayo.
0
Jan 13, 2021
Jan 13, 2021 at 12:32 PM UTC
hindi inaasahang pagdating
Minsan naisip kong huminto Naisip ko na ring sumuko Pakiramdam ko kasi kakaiba na ako sa lahat Kaya madalas naiisip kong tumigil na sa pagsusulat Hanggang sa makatagpo ako ng ilang Makata At sa PANGATLONG PAGKAKATAON,sa kakayahan ko, Mayroong naniwala Isa yun sa mga pangyayaring labis kong ikinatuwa Pagkat kahit papano,may nagpapahalaga pa sa aking mga akda May nakakapansin pa sa natatago kong kakayahan Kaya nga mas lumakas ang taglay kong paniniwala Na isinilang ako para magsulat Kahit na pakiramdam ko kakaiba ako sa lahat Hindi ako titigil Sa pangarap kong 'to walang makakapigil Patuloy akong magsusulat hangga't kaya ko At Pagyayamanin pa ang bigay sa aking talento At sana balang araw, Matupad din yung pangarap ko Maging propesyonal na manunulat At May akda ng Isang Libro.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:33 AM UTC
Walang Titulo