Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Salome Sep 2015
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay
Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa
Tila nilalason ang isipan ko
Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo

Hindi maikukubli sa aking mga salita
Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka
Nangingislap ito mula sa ilaw
Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo

Umaalab ka ngunit hindi mo pansin
Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo
Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka
Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila

Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak
Kaya naman hindi mo naaatim
Ang yaring tayog na iyong taglay
Kung makakalipad ka lamang sana

Likas sa’yo ang nais mo
Kumakatok ako’t nakikiusap
Gumising ka, marikit na binibini
At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
Written in Filipino, my Mother Language.
Basically tells you that what you want is already innate in you. You just have to realize it.
Jowlough Jul 2011
mundong malupit,
napakadami **** bitbitin.
isa kang manlalakbay,
anong landas ang pipiliin?

pilit **** dinala,
ang bagaheng mabigat.
pagkat gusto **** makatulong,
sa abot ng iyong kaya.

kahit hindi sayo'y
minabuting dalin,
nang sa iyong kasamaha'y
na sa iyo ay binilin.

buhat **** bagahe,
di maikukubli.
isinama mo na ang bagahe ng iba,
magandang loob **** minabuti.

Malayo na ang narating,
ng pagod **** katawang hapo.
sa pag intindi mo,
sa mundong ikaw lagi ang balato

ngunit pagkatapos ng araw,
ang balikat mo'y halos mabali.
subalit ang puna parin ay sayo,
Ikaw pa ang siyang mali.

nang tayo ay dumating,
sa hating landas dapat pumili,
di sinasadyang salungat,
ang ninais na tahakin.

bitbit mo ang puso,
na iniintindi ang iba,
subalit may mga desisyong,
sa utak mo'y nakatalata.

Sila ay bulag,
sa kabutihang iyong dulot.
ngunit sila ay dilat sa kagamitang
nalaglag na hindi mo napulot.

Sila'y dilat sa iyong kakulangan,
di nakikita ang kabutihan ng puso.
di ka nagpapatinag
kahit ika'y napapaso

mundong malupit,
napakadami **** bitbitin.
isa kang manlalakbay,
anong landas ang pipiliin?
(c) Landas - 7172011 - jcjuatco
060522

Marahil salungat ang lahat sa ating pagsagwan
At baka sinasabi nilang
Naging iba na rin ang ating pamamaraan
Sa pagtuklas ng sining na buhat pa sa nakaraan.

Tila ba nais nila tayong patahimikin
Gamit ang mga balang kinimkim ng ating damdamin.
Hanggang sa tayo’y mabihag sa mga himig na iiba ang ritmo
Sa ninanais nating komposisyon.

Bagamat ito ang landas na payak para sa nakararami —
Ang landas na ang lahat ay handa nang tumaya't sumugal
Ngunit hindi, hindi pala ito para sa ating lahat —
At masasabi nating iba ang sinisigaw ng pulso nati't kaluluwa.

Sa mga pahinang ginuguhitan ng iba't ibang tinta'y
Tanging tayo lamang ang higit na may kakayahang kilatisin
Ang bawat guhit sa ating mga palad
At ang mga mantiyang hindi natin mawari sa simula
Kung saan ba ang pinanggalingan ng mga ito.

At sa muling pagdungaw natin
Sa sisidlan ng ating mga kaluluwa’y
Mahahanap din natin ang mga kasagutan
Sa pakikipag tagu-taguan natin sa mga lunas
Habang makakapal pa ang mga ulap na ating pilit na hinahawi.

Marahil nasisilayan nila tayo sa lente
Kung saan sila'y nakamulat na
Habang tayo'y kumakapa pa sa dilim —
At ang sinasabi nilang gintong mga salita'y
Nagmistulang mga malalaking batong balakid
Patungo sa liwanag at kalayaan
Na nais nating tuklasin nang mag-isa.

Marahil hindi nila tayo maintindihan
Sa mga oras na ang lahat ay abala
Sa pagsuong ng kanya-kanyang mga bangkang papel
Patungo sa tubig na dulot ng di kanais-nais na panahon.

At walang sinuman ang may kagustuhang maguho
Ang binubuo nating larawan sa ating mga isipan
Habang tayo'y pinagmamasdan ng  mapanghusgang lipunan
Kaya tayo'y tumitiklop sa halip na bumabangon nang kusa.

Gayunpaman, kalakip ng ating pagtalikod
Sa samu’t saring mga palamuting
Makinang pa sa ating mga kasuota’y
Doon pala natin maihihimlay ang sarili
Sa rurok na dati’y atin lamang na sinisilip at tinitingala.

Hubad ang ating mga pagkatao
Kung saan ang ating tinig ay hayagang mamaniubrahin
Ang mga kalansay ng kahapong humila sa atin pailalim
Habang tayo'y pansamantalang naging libingan
Ng mga baon nating kadilimang araw-araw nating hinihimay.

Ang ating pagsambit ng mga katagang
Tayo lamang ang nakaiintindi
Ay isa na palang patandaan
Na tayo'y dahan-dahan nang nakakaahon.

Bagamat walang hiyaw na sumasabay sa nais nating tagumpay,
Walang aninong nagbibigay-tulong
Sa bawat kahong ating binubuksan
Ngunit patuloy pa rin tayong papadyak at magpepedal.

Patuloy tayong lilipad higit pa sa ating mga imahinasyon
Kahit tayo mismo’y walang kamalay-malay
Kung saan tayo kayang tangayin
Ng mga saranggola ng kahapon at ngayon
Na ating kusang-loob na inialay na sa himpapawid at kalangitan.

At kung ang pagsagwan man nati’y salungat sa nakararami,
Ay patuloy pa rin tayong magtataya para sa ating mga sarili.
Patuloy na hahakbang at magpapasala sa umaalab na apoy,
At baka sakaling sa paulit-ulit na pagsubok nati’y
Ito na ang maging simula ng muli nating paglipad.

Maubusan man ng balahibo ang ating mga pakpak
Ay walang sawa tayong magbabalik sa simula —
Sa simula kung saan ang pag-asa
Ay tila ba kurtina sa ating mga mata
At waring nag-iisang diyamanteng kumikinang
Na handa nang igawad sa atin ng panahon.

Kung ito ang hamon sa larong alay ng tadhana'y
Tayo mismo ang kusang mag-aalis sa puwing sa ating mga paningin.
Magbibihis tayo hindi gamit ang lumang mga kasuotan
At gagayak na tila ba hindi tayo nasugatan
Buhat sa giyerang ating pinanggalingan.

Bagamat ang mga sugat sa ating katauha'y hindi natin maikukubli,
Ngunit ang mga ito'y magsisilbing baluti't tanda
Ng ating hayagang pagsambit
Na tayo'y nanatiling matatag
Pagkat pinili natin ang pag-ahon kaysa sa pagkalunod.

At hindi tayo mahihiyang tumapak sa papag
Kung saan tayo nagsimulang mag-ipon ng pangarap,
Kung saan ang ating lakas at inspirasyon
Ay buhat sa mga Letrang mahiwaga't makapangyarihan.

Sa mga oras na tila ba mabigat na ng lahat
Ay wala tayong natirang ibang armas kundi ang pagluhod.
At marahil sa ganitong paraan di’y
Mananatili tayong mapagkumbaba.

Muli man tayong nabasag at walang ni isang pumulot
Sa mga pira-pirasong kaytagal nating pinagsikapang mabuo’t pahalagahan.
At ang dugo’t pawis na hindi natin masukat
Sa babasaging garapon ng ating mga palad
Ay nagmistulang gantimpala sa atin ng Kataas-taasan.

Ito na marahil ang Kanyang hayagang paghikayat
Na kaya pa rin pala tayong akayin ng Kanyang mga Pangako
Patungo sa milagrong kaya pang lumipad ng eroplanong papel
Na minsang ginula-gulanit na ng kahapon.

Ang bawat Pangakong iginuguhit Nya sa ating mga puso
Ay higit pa na umaalab sa tuwing dumaraan tayo sa pagsubok.
Dito natin nakikilatis kung sino ba talaga tayo
At kung ano ba ang dahilan ng ating paghinga
Pagkat hindi pa rin tayo humahantong
Sa hindi natin muling pagmulat.

At kailanma’y hindi mauubos
At hindi mapapa-walang bisa ang mga ito
Ng mga ideolohiyang isinaboy ng sansinukob
At sapilitang isiunusubo sa atin
Hanggang sa hindi na tayo mauhaw at magutom pa sa Katotohanan.

Ang ating mga luha’y hindi lang basta-bastang dumaloy
Ngunit tayo’y inanod ng ating kalungkutan,
Ng ating hinagpis at walang katapusang mga katanungan
Patungo sa karagatang muli sa ating nagbigay-buhay.

Tila ba tayo’y muling binasbasan
Na higit pa sa mga tilamsik ng magagaan na butil ng ulan.
Na wala na pala tayong ibang dapat na patunayan.
At bagamat, napagod man tayo ngunit hindi ito ang naging mitsa
Ng ating pagtalikod sa Una nating sinumpaan.

At patuloy pa rin nating nanaising bigkasin
Nang walang bahid ng pagdududa’t pagkukunwari
Gamit ang ating mga palad at ang pintig ng ating mga puso’t damdamin
Ang pinakamagandang leksyon at mensaheng
Nagmistulang medalya ng bawat pahina ng panahon.

At mawawalan na tayo ng dahilan para magduda pa
Kung ano nga ba ang magiging katapusan
Pagkat ang tanging paksa ng ating paghimbing sa mga letra’y
Ang pag-asang darating din ang ating Tagapagligtas.

Ang ating pagyukod
At pagbaling ng tingin sa blangkong pahina’y
Isa palang pagsulyap sa kinabukasang
Makinang pa sa kung ano ang natatamasa natin sa ngayon.

At sa ating pag-angat hindi lamang para sa sarili
Ay 'di natin nararapat na malimutan ang dahilan
Kung bakit nais nating lumipad
At marating ang dulo ng pahina ng sarili nating mga kwento.
zee Aug 2019
ngayong gabi,
habang ika'y nasa'king tabi
hindi maikukubli na ako'y nabihag
ng iyong nakakalusaw na ngiti;
mga labi na labis kung makapangakit;
ang boses mo na tila bumubulong sa'kin
na ako'y manatili hanggang ang araw ay sumikat muli

at nang ika'y maalimpungatan,
muling nasilayan ang mapupungay
**** mga mata—
mata na tila tala sa kalangitan;
kita ang kinang at sayang nililihim
nang nalaman ako'y nanatili

"mahal kita"
mahina ngunit malambing **** sambit
nang ika'y pinatumba muli ng tama na 'yong tinamo habang iniinom lahat ng pait at sakit
habang pilit **** iginigiit na baka ikaw ang nagkulang at nakamali,
aking tinatanong sa sarili, bakit hindi mo makita ako'y nasa'yong tabi.
MarieDee Nov 2019
Sa simpleng sulyap nagsimula ang lahat
sa pagdaan ko'y ako'y hinanap
numero ko'y iyong pinagtanong tanong
nakuha mo ito at ako ngayo'y puro tanong
kung paano at kanino mo ito nakuha
ngunit ikaw'y puro kaila
sa umpisa pa lang ay may hinala
na sa kaibigan natin mo ito nakuha
pero heto ka at puro tanggi
hanggang sa huli ito  rin ay nasabi

sa pangungulit ko'y ikaw'y napaamin
na sa akin daw ikaw'y may pagtingin
noong una'y di makapaniwala
para sa akin lahat ay bigla-bigla

mga mensahe mo ang bumubungad sa umaga
di ko namamalayan, ako'y napapangiti mo tuwi-tuwina
maya't maya'y nangungulit
pagkikita natin ay iyong ipinipilit

sa iyo ako'y nakipagkilala at nakipagkamayan
pakiramdam ko ikaw'y tila kinakabahan
sa pagkikita natin ikaw'y biglang nahuhulog
tuwang tuwa at pintig ng puso'y kumakabog

bigla-bigla ikaw'y nagpaparamdam
sagot ko'y gusto **** malaman
katanungan mo'y pinagisipan
pakiramdam ko'y ang gaan-gaan

ikaw'y sinagot at nagkatuluyan
ang araw na ito'y di malimutan
nakipagkita ka upang sa sagot ko'y makasigurado
dahil sa ang akala mo ako ay nagbibiro

pagdampi ng iyong mga labi sa aking kamay
ang sa pagmamahalan nati'y naging patunay
walang araw ang di mo ako napapasaya
sa aki'y ikaw ang nagbibigay sigla
halos araw-araw gusto natin makita ang isa't isa
pero hindi maari, pagkat  mainit tayo sa mata ng madla

walang kasingsarap mga nakaw **** sulyap
hindi man natin maikukubli
o kay saya ng mga nakaw na sandali
mahirap man ito sa atin
pero lahat ay gagawin at kakayanin
pag-iibigan nati'y di sasayangin
zee Apr 2020
hindi na mapakali at panay ang tingin sa paligid
ang pagod at antok ay 'di na maikukubli
segundo, minuto at oras na ang lumipas
ni anino mo'y 'di na matinag; mata'y malapit nang tumiwalag
ang isipan ay kung saan-saan na rin napadpad
iisa lang naman ang nais isigaw ng pusong matiyagang naghihintay
makita kang muli at ang puso't isipan ay mapapalagay
lahat ng hirap na dinanas ay 'di alintana dahil ito'y maiibsan

--

at dumating na sa wakas ang araw ng pagpapasiya
ang dalawang pusong nangungulila sa presensya ng bawat isa'y
nagtagpo at nagsama

ang muling pagkikita nila'y punong-puno ba pananabik at saya
salubong na mainit at mahigpit na yakap at matamis na halik
ang siyang nagpawi sa mga sandaling hindi sila magkapiling

--

saksi ang mga tala at ang buwan
pati na rin ang mga tao sa paligid na walang kaalam alam at pakialam
sa muli (at huli) nating pagkikita,
mahal.
03.06.2020

— The End —