Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magsasabi" poems
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo Maging sa iyong taun-taong pagkatalo Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso Hindi mo talagang nais na maparito Anim na taon sa malaking syudad Umani ng napakaraming kaalaman Alam mo naman ang iyong mga hangad Ang pangako lamang ang pinanghahawakan Nadudurog na tiwala mo sa sarili Sa iyong isipan, huwag kang paaapi Tagumpay ay malapit mo nang mawari Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi. Pagasa ay wala sa malayo Nasa paligid ang mga kaibigan mo Na magsasabi sa iyo ng totoo ~ Tunay kang nagaantay Tunay kang magtatagumpay
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 1:10 PM UTC
Para Sayo,
Kailangan ko lang ilabas kasi nakita ko tong picture sa Facebook. Inaamin ko madalas sumasayad sa isip ko to. Sino ba naman ang hindi maiisip to kung marealize mo kung gaano ka kahelpless at powerless na baguhin ang paligid mo. Sino ba naman ang hindi makakaisip na baka may mas magandang lugar para sa ating lahat na kung saan masaya tayo. Yung feeling of guilt kung bakit ako nasa loob ng kotse, naka-aircon tapos may batang kakatok sa bintana mo at siya ay walang makain, tapos pag inabutan mo magsasabi padin ng "Thank you po.", sabay bibili ng sundae sa Mcdonald's. Tangina lang diba, kasi bata lang din sila at gusto nila maenjoy ang buhay. Tapos, magmaneho ka lang sa Quezon ave, may kakatok sa bintana mo humihingi pagkain or limos. Tingin ka sa Quiapo may mga matatandang nanlilimos, tapos, masayang masaya pagka binigyan mo ng pagkain, nakakaputangina. Nung nag Davao kami, yung mga nagbebenta ng perlas dun alam **** isang kahig isang tuka ang buhay nila, isang tingin mo lang alam **** sobrang hirap ng buhay. Nakakagago pala talaga ang pakiramdam ng pribelehiyo no? Kasi andun ka lang para mag lamyerda at gumastos ng madaming pera. Yung feeling na nagiinstagram ako ng walang kakwenta-kwentang bagay tapos may namamatay sa gutom sa ibang lugar, may naaabusong ofw sa middle east, yung mga nasa Mindanao napapagitnaan ng gulo. Yung nakikita **** sales lady sa SM na alam **** todo kayod para kumita ng pera sa Maynila pero tangina hindi nabibigyan ng tamang benepisyo at kontraktwal padin. Ang swerte ko. Ang sarap ng buhay ko. Sa sobrang sarap, napakaunfair na at nakakagago na dahil di ko din masabing ayaw ko ang buhay ko, pero ayaw ko din ang mga nakikita ko. Ang labo no? At bilang isang ordinaryong tao, wala kang magagawa para matulungan sila na maglalast sakanya. Hanggang abot ka lang ng barya kasi di mo pwede isacrifice sarili **** kapakanan para sa iba. Dahil ganun na ang mundo ngayon, sarili ko muna bago iba. Pero masisisi mo ba yung pagiisip na ganun kasi may kanya kanya tayong mga problema na dulot ng pagiging myembro ng society? Duwag tayong lahat. Duwag na tumulong sa abot ng makakaya natin kasi takot tayo na baka tayo naman ang mapunta sa ganung kalagayan kapag binigay natin ang lahat. Tulad ko, pasuicide suicide pa pero duwag akong gawin, hanggang sagi lang sa isip ko, tangina ko eh no? Dahil yung nakakatulong lang talaga yung may tunay na tapang. Katulad ni Mother Teresa ang daming tinulungan at inalagaan, pero ironic dahil nawala ang paniniwala nya sa Diyos dahil sa nakita nya nasobrang hirap na dinadanas ng mga taong inaalagaan nya. Putangina ng Mundo. Bakit ba tayo nandito? Pagtapos nito balik na ko sa normal. Tangina nyo.
0
Mar 21, 2017
Mar 21, 2017 at 10:20 AM UTC
Putangina Ng Mundo

Continue reading...
1
Alam mo bang gising pa ako hanggang ngayon Nagbibilang ng mga taon Kung ilang beses kitang makikita na umaalis at dumarating Kung ilang beses kong isusulat ang mga pangarap nating tutuparin Isa, dalawa, lima o labing-isa Paulit-ulit na muling pagkikita Nasasabik, nalulumbay, maligaya at malungkot Ilang beses sa isang taon na mamaluktot Isa, dalawa, lima, labing-tatlo Nakatanaw sa langit, sa dagat, sa mundo Pabalik-balik ang isip sa mga sandaling naririto Maghihintay paulit-ulit, kahit sampu o labing-walo Aalis, aasa, darating, maliligayahan Ihahanda ang damdamin sa walang kasiguraduhan Ikaw, ako, tayo Ang magdidikta sa mundo Kung saan, paano at sino pero hindi ang kailan Kung bakit, kanino, pero hindi ang dahilan Ikaw, ako, tayo Ang magsasabi sa mundo Na ikaw at ako ang pipili sa isa't-isa Tayo ang hahawak, hindi ang tadhana Sa simula, gitna, dulo at pahabol na kapitulo Ikaw lang at ako ang magsasabi sa mundo Na araw-araw akong maghihintay Sa pagsikat man o paglubog ng araw Na taon-taon akong aasang babalik Ang dahilan kung bakit patuloy na umiibig Hindi isa, hindi dalawa, hindi dalawampu't walo Kundi paulit-ulit hanggang tayo na sa dulo
0
Oct 10, 2015
Oct 10, 2015 at 2:53 PM UTC
Paulit-ulit
Masakit maiwan dahil sa isang paglisan Mga bagay na di maiwasang masaktan Mga alaala pilit kinalimutan Dala nito ay bigat na nararamdaman Mga patak ng luha hindi mapigilan Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay, Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala, Para sa isang bagong kabanata Kasama sa unti-unting pagbangon, Ang mga tamang pagtugon Sa mga bagay na kailangan tanggapin, Para ang sarili muling hanapin. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan At di naglaon ito ay tumila, Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili, At hindi masamang magmahal muli Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap Na ikaw ay aking mahanap Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak Sana dumating ka na Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata Sana makita ko na yung ngiti mo Mga ngiti na magsasabi sa akin na  maging masaya lang dapat ako Sana mahawakan na kita Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba Sana mayakap na kita Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema Sana dumating ka na Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap At kung nandyan ka na Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa" Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan Dahil ako'y handang susuko Kahit life time sentence sa piling mo.
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 9:41 PM UTC
HANDA NA AKO

44
Manggagawa ang tatay ko at manggagawa din ako, lumaki ako sa lugar na ang mga kapit-bahay ko ay puro mga manggagawa. Dati pangarap ko’ng maging labor lider, maging unyonista na tulad ng tatay ko. Manggagawa mga taong pinalalakas ang katawan dahil ito ang kanilang tanging puhunan. Katawan, dugo at pawis ito ang kailangan dahil wala silang ibang masasandalan. Mga isang-kahig at isang-tuka at mga alipin ng gutom at pangangailangan, mga modernong alipin. Mga factory workers, bodegero, baradero, construction workers, OFW, mga sekyu, mekaniko, latero, karpintero, katulong, hardinero, kubetero, tsuper, kargador, estibador – lahat sila mga manggagawa. Gumagawa araw at gabi kapalit ng maliit na kita, hindi sapat na benipesyo at walang dangal sa harap ng among kapitalista. Mga inuupasala at pinagsasamantalahan, mga gatasan na laging tinatampalasan ng mga walanghiya at mga tampalasan. Manggagawa na walang dangal na laging busabos ng mga mayayaman at makapangyarihan kailan mo kaya makikita ang araw ng iyong katubusan? May mga dambuhalang mahilig kumain ng laman mga halimaw na walang kabusugan, mga bampira na sinasaid ang dugo ng biktimang walang kalaban-laban. Ganyan ang mga kapitalistang ating pinaglilingkuran. Mga walang pakialam sa buhay ng iba ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng limpak-limpak na pakinabang. Mga kapwa manggagawa may araw din na tayo ay lalaya. 'Wag mainip sapagkat nakatunghay ang kasaysayan ang batas nito ang magsasabi kung kelan tayo lalaya sa tanikala ng mga mapang-aping panukala.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 8:15 PM UTC
MANGGAGAWA

4
Matatawag bang kausap? Taong nasa iyong harap Kapag isip ay sa ulap Kahit na ano pang sikap Bagamat sadyang mahirap Kung salita'y hinahanap Bibig man ay bumubuka Pero agad nawawala Sa mga tingin ng mata Na nais lang na makita Sasabihin na'y nakuha Dahil sa kariktang dala Pagka't hindi naman sanay Sa pagbibigay ng kulay Ng aking mumunting buhay Ngunit laging nasisilay Ang ngiting nananalaytay Sa maliliit na bagay
0
Oct 9, 2019
Oct 9, 2019 at 4:55 AM UTC
Tingin ang Magsasabi