Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magniningning" poems
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
May mga bagay na ating hinango mula sa makikinis na tela, Nilagyan ng mga sariwa't  kakaibang mga pabango, Pinuno ng ginintuang mga pilak at diyamante. Tapos hinabi mula sa sapot ng nakalalasong gagamba, Habang dinidikitan ng mga perlas na mutya Ngunit maniwala ka sa aking sasabihin Na bawat telang makinis ay gagaspang rin. Ang iyong mga pabango't ginto ay nanakawin. Ang iyong hinabi ay maluluma rin, Kasama ng mga perlas na kailanman ay magniningning. Ito'y kung wala kang gagawin...
0
Feb 26, 2017
Feb 26, 2017 at 4:15 PM UTC
Kayamanan
sa paglubog ng araw ay nakatakda ang pagsikat ng buwan magniningning ang mga bituin huhuni ang may sanlibong kuliglig maririnig ang daing ng nagdadalamhati "magandang gabi, buwan." nakabibingi ang katahimikan walang tugon subalit tiyak na may nakikinig madilim ngunit siguradong may nagmamasid iihip ang malamig na amihan sa pagsambit ng mga panaghoy, bubuhos ang ulan mula sa mga mata hihiyaw sa galit at hapis ang nagtitimpi titigil ang mga kuliglig mag-iibayo ang katahimikan patuloy na lalagaslas ang ilog sa 'di kalayuan, kasabay ng rumaragasang damdamin bababa ang buwan mula sa langit mahuhulog ang mga tala ako'y mababalot ng hiwaga
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 8:57 PM UTC
takipsilim
Natatanaw nga ang mga tanda sa kalangitan At kung maaliwalas ay babalik sila sa kagawian Kung kumulimlim nama'y magsisi-taguan At magdaramit ng sako at uupo sa abuhan Sasabihin ng isa "ako'y matutulog muna panandalian, Hihipan upang patayin ang aking ilawan Sapagkat ang pinuno'y tiyak na yata ay matatagalan Kung dumating siya doon ko na lamang sisindihan Ang tapat ay magniningning sa dilim at liwanag Wala man makakita ay patuloy siyang masipag At siyay maghihintay ng taimtim at panatag Sa kanyang Panginoon na nagbibigay liwanag -JGA
0
Aug 12, 2021
Aug 12, 2021 at 9:10 PM UTC
Ilawan