Ang mga babae… parang accounting.
Mahirap intindihin,
Kailangan ng analysis bago mo ma-handle nang maayos.
At kahit akala **** tama na ang formula mo,
Magkakamali ka pa rin sa computation ng feelings nila.
Bakit?
Kasi sila yung tipo ng asset na laging may hidden value.
May “goodwill” kang kailangang alagaan,
At once na mawala ‘yan?
Write-off agad… kahit ilang taon mo pang pinundar.
Ang mga babae, parang general ledger din.
Hindi mo sila pwedeng kulangin ng entry.
Kailangan consistent ang effort.
Miss mo lang mag-text ng "kumain ka na?"
Aba, may variance analysis ka nang aabutin.
At kapag sila ay nagalit?
Expect a full audit.
Every past mistake,
Every delayed reply,
Every seen-zoned chat mo kahit noon pang nakaraan?
Ibabalik lahat sa’yo — with matching attachments.
Minsan din, parang sila yung accounts receivable.
Lagi kang may hinihintay.
Time. Attention. Sweet words.
Pero kapag ikaw na ang may due date ng pagmamahal?
Nagiging uncollectible expense ka.
Pero ‘wag ka.
Pag minahal ka ng totoong “babae,”
Parang properly recorded investment ‘yan —
Steady ang growth,
May dividend ng lambing,
At hindi ka na kailanman ilalagay sa “disposal group held for sale.”
So yes,
Ang mga babae, parang accounting.
Hindi madaling i-master.
Pero kapag natutunan mo silang basahin,
At inalagaan **** parang pinaka-precious **** journal entry…
Matic yan na mahanap mo na ang tunay **** forever sa ledger ng buhay mo.