Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon
Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon
Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip
Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip

Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala
Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta
Pusong pinilit mabuo, maging bato
Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo

Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa
Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa...
Pinilit na wag lingunin ang nakaraan
Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan

Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin
Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin
Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw
Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw

Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko
Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo
Halika, mahal, halik sa tabi
Tulungan mo akong palayain ko ako...
Jor Jun 2015
I.
Bakit ganun ang tadhana?
Lahat na ata aking ginawa.
Pero sakanya'y ito'y isang bula,
Naglalaho na lamang bigla.

II.
Bawat araw sa kalendaryo ko
Madiin kong iniekisan ang mga ito.
Para bilangin ang mga araw
Noong sa akin ikaw ay bumitaw.

III.
Bawat gabi humihikbi ako
Pagkawala mo'y di ko matanggap ng buo.
Ang amoy ng iyong damit,
Sa puso ko'y patuloy na kumakapit.

IV.
Dumating ang araw na, pag-gising ko
Nagpasya na ang puso’t isip ko,
Na kalimutan ang isang tulad mo.
Para makalaya na'ko sa pang-gagago mo.

V.
Sa wakas! Sa loob ng ‘sandaang araw
Amoy mo'y sa puso ko'y bumitaw.
Sinunog ko na rin ang kalendaryong
Nagsilbing ala-alang saking pagiging tanga!
kingjay Dec 2018
Kapag yumaman na uuwi ba sa San Arden?
Tatanggapin, pagkatapos na pinaghintay naging alipin sa kanyang mga kamay at yapos
At kung mangyari  ay huwag masyado madiin
dahil di pa naghihilom nang lubos

Tambakan ng lupa ang dasalin
para di lumingon o sumulong
Isulat sa libingan
"Bawal Pitasin amg Tutubong Bulaklak"
Upang tumaglay ng mabangong gayak

Nagliliyab ang mga kandila na nakatirik sa altar
sapagkat nakipagsundo sa diablo nang dahil sa mahal
Isinanla ang kaluluwa at ang dugo'y pantubos
Ikamamatay man nakakasiguro ang tambalan ay makaraos

Di ito ang paraan, mabubulok man ang katawang tao, ang isip sa Diyos lang
Mangamba sa tagubilin
Ang huling salita ay hindi mawawala sa puso't panimdim
Gumagabay sa araw-araw na gawain

Ano ang natira sa malawak na lupain?
Tila disyerto na lalong umiinit
Impyerno na sumibol sa kontinente ay
tumatawid ng karagatan
ginagapi ang bawat silid
Eunoia Aug 2017
Ganyan ako nang lumapit sayo
Umasa akong pupunan mo ng tinta ang bawat espasyong nakikita mo,
Ngunit mahal,
Masyado palang madiin ang pagkakasulat mo

Nabutas ako't nasugatan,
Ngunit hindi mo Ininda ang bawat pagtangis ko,
Hindi mo ininda ang bawat parteng nilukot mo sa aking katawan,  habang mahigpit **** hinahawakan ang mismong "Ako"
At ng magsawa ka na sa pagsira mo

Kumuha ka ng panibago ngunit hindi katulad ng saakin ang ganda nang pagkakasulat mo sa bagong papel na hawak mo
At alam mo ba yung mas masakit?
Yung katotohanang pinalitan mo ang salitang "AKO" para lamang sa panandaliang "KAYO"

— The End —