Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lumilinaw" poems
Sinasaktan ka lang n'ya. At hindi sa paraan ng salita. Pisikal. Sinasaktan ka lang n'ya. At masakit na hindi ka n'ya sinasaktan sa paraang alam kong mas masakit, damdamin. Dahil kahit ano pang sabihin ng iba na mas masakit masaktan ang damdamin kaysa pisikal, ay mas gugustuhin kong umiyak ka dahil minura o sinisi, kaysa sakal sa leeg at sugat sa labi. Masakit, kung iisipin ang suntok sa mukha, o harangan ang paghinga sa pamamagitan ng unan. Masakit, na sa lahat ng sasaktan ay ikaw pa. Prinsesa, inalagaan ng ilang taon bilang kaibigan upang makita lamang ang mga pasa sa braso, sugat sa puso, mukhang maamo na nilamon ng pait. Pero nakaka ngiti pa rin sa akin na para bang walang nangyari. Higpit ng yakap na para bang walang sakit na iniinda. Tawa na kay lakas na wari mo'y hindi umiyak kagabi. Gabi-gabi kong iniisip kung anong ginagawa mo, hindi, kung anong ginagawa n'ya sayo. Dahil bukod sa saya na naibibigay n'ya sa bawat halik, o yakap, o talik ay mas nangingibabaw ang sakit mula sa suntok, sampal at sigaw. Pero sa sulok ng aking utak ay mas mapapasaya kita. Oo, naisip ko na ito dati, at mas iniisip pa ngayon. Alam ko namang malabo ang mga pangyayari dati pero mas lumilinaw na ngayon. Sa mga panaginip lang dati nangyayari, isasabuhay na ngayon. Mahal kita at hindi ka dapat mapa sa kanya. Dahil una pa lamang kitang nakita , ay akin ka na.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:54 AM UTC
276
sinampal ng reyalidad 'di tayo magka-edad eh ano naman? sambit ng rebelde basta 'wag ka ng manangis sayang ang agos ng ilog may pag gagamitan ka nyan ako'y malapit na pagmasdan, mas lumilinaw ang 'di sukat akalain unti-unting niyayapos ng panalangin na minsan magiging akin at tatawagin, sasabihin na itong 'di maipaliwanag natuklasan magyabang akin, tayo, sabay aaminin marahil marami nga sila makitid na lansangan tila mga pang-unawa nakahilera ang bawat tanong kasabay ay pagbugso ng ninanais huwag mag alala dalawa ang pag-ibig nakahain at naghihintay sa'yo kahit anong talinghaga sa ating paliwanag, tayo pa rin ang sampid gayong pahirapan ang pinagdaraanan, magkaiba pa rin ang batid ganito kapayak ang pag-ibig ko mahigpit na yapusan; araw araw simple at dalisay matagal namamatay kaya kahit nakakakapos hininga masaya na ako at naaninag ka
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 11:46 AM UTC
pabango ng iyong mga mata
Isa dalawa tatlo Mag unahan tayo sa dulo Kung May mahuhulog Ay Walang sasalo Apat Lima anim Nagiiba na ang takbo ng mundo Nahuhulog na yata ako sa iyo At Unti unti ko ng ginugustong sumuko Sa laban na ito Na nakakalito Ano ba ako sayo? Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako Dahil habang lumalayo Mas lalong lumalabo Mas lalong nagiging komplikado Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko Natatakot ako Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin Na bawal mahulog Dahil hanggang kaibigan lang tayo Pito walo siyam Nagiiba na ang ihip ng hangin Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin Kaya ko pa ba? Kasi yung taong gusto ko May gusto ng iba Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan Para nadin mawala ang mga “Baka sakali” Na gumugulo sa isipan ko Para nadin matauhan At matuto na ako Sampu Paalam Ito ako ngayon sa harapan mo Nagsasabing ako na’y susuko
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:14 AM UTC
SAMPUNG HAKABNG PAPALAYO SAYO