Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lugaw" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Nagpadagat kami kan saróng aldáw Ta ako pirmi na sana bagang ribaráw Gusto ko man sanang malingáw Kaya uni nagbabaláw-bagáw Kaibahan si Papa naglangoy sa taháw Kan dagat asin pagkatapos mabalnáw Maugmahon lang ngunyan na aldáw Makakan kan dara ni Mama maski na bahaw Itong inihaw na manok tapos sabaw Igwa pang masiramon na lugaw Si tugang yaon sa pampang naglalakaw-lakaw Garo may balak na magpalataw-lataw Aram kong masakit makakuha nin ilaw Na mataong kusog buot na mapukaw Sa satuyang kalag na nakatúkaw Garo baga bagong mata, mungaw-mungáw Mabagsak man an bulalákaw An masinggayang pagmati ma-ibábaw Sa kinaban, Dawa pa an inaaagihan ta halangkaw Udók sa buot asin bakong karáw An makaibahan kamo, Dai malilingaw Na mapadagat ulit kita sa masuronod na aldáw. —𝐔𝐝𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐁𝐮𝐨𝐭,  a Bikol poetry
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 11:37 AM UTC
Udók sa Buot