Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kwadradong" poems
#112615 Sa kwadradong hawla Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina, Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila. Minsan sila'y naging malaya, Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya Tila martir ang minsang naging paslit, Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa. Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila, Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan. At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli, Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali. Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin, Oras niya ngayong kabiyak sa salamin. Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon, Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
0
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 1:44 AM UTC
Inakay
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa Pakinggan ang himutok sa kwadradong kahoy nakapatong ng bangkay na  nangangapa pa Buuin ang palaisipan Kung may itsura ay hugutin ang kasagutan sa bugtong Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito Nababalisa ang gabi at di makatulog Munting daliri ay igalaw Ngunit nanatiling tamad ang mga braso Sa pagkabog ng dibdib Ang halinghing ay maririnig Sa kalaunan ay parang di na humihinga Kinakalawang sa silid Nakahandusay sa silyang rektanggulo Tiisin ang katahimikan Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala Magbuntong-hininga ito makipag-usap Isinalaysay ang pagdaralita Nakatikom ang bibig Maghihilom din bagkus di makatawa Magmumukmok sa loob ang walang saysay na uwak Idagit ang kabuluhan Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:02 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #5
Time check Anung oras na ba? Pakshet. Nakaupo ka nanaman ba? O nakahiga na saiyong kama Nakatitig sa kwadradong gawa ng teknolohiya Nakaabang, Naghihintay sa pag sapit ng umaga Sa panibagong simula Panibagong bukas na ibibigay ni bathala.
0
Jun 13, 2018
Jun 13, 2018 at 7:40 AM UTC
Pakshet