Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y Higit pa sa mga nakapilang karagatang Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran. Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan.
At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol, Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig Na hindi ko mabigyang pamagat Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip.
Sa bawat bigkas ng bibig, Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit, Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri.. Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin, At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere -- Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan.
Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag, Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay Ay balang araw ding hehele't magpapatikom Sa mga armas ng kadiliman. At balang araw, masasabi ko ring, "Nagbunga ang paghihintay."