Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kikitil" poems
Anong silbi ng luha? Kung papatak lang ito gaya ng ulan, At gaya ng baha'y pagtatampisawan. May iilang paslit sa Kalye ni Juan, Nagbabangka-bangkaan Paglaki nila'y dal'wa ang sinasagwanan. Doon sa iskinitang panay basura ang laman, Bisita nila'y araw-araw na kagutuman. Iwinawagayway ang sarili, Bentahan pala'y kanilang pagkakakilanlan. Minsa'y nasaglit ako sa tindahan Nang may matiyagang nakipag-usigan Banta niya'y bubuwagin ang buhay Ang latay ng bukas ay aangkinin nang ngayon Titila rin daw ang buhos ng ulan, Pang-lamang tiyan lang daw, Bagkus dahas ang kikitil sa kasaganaan. Ganoon na nga, May mga nauudlot na kinabukasan Pati istoryang panay nagtititigan. Ngayon kasi'y Pakalat-kalat na lang, Iba na pati takbo ng isip, Nakikilimos na lang Baka may singkong duling man lang.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 4:52 PM UTC
Lansangan
ilan pang mga paalam at mga luha pa na kailangan ko nang tanggapin sa pait nitong katotohanan na syang humubog bilang bago kong sarili upang ako'y makausad na rito sa bagong yugto na aking buhay na hindi ko na matatakasan pa? bakit kay kagyat kang lumisan? buhat ba nang ika'y iniwan? 'lam kong 'di mo tanggap ang lahat at 'yong tamo, lihim **** sugat bubura sa tamis **** kulay at syang kikitil sa 'yong buhay tangi **** handog sa 'king diwa: ang iyong pambihirang luha
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 9:18 AM UTC
PAG-USAD SA PAIT