Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kate Apr 2022
habang naglalakad ako sa lupain ng mga sirang pangarap, mayroon akong pangitain sa napakaraming bagay. ang mga paghihinagpis tila baga'y tumutulong upang madagdagan ang aking pasan sa mundo. aking napagtanto na ang kaligayahan ay isang kalinlangan lamang. sa aking pagkalumbay at pakiramdam ng disorientasyon, buong buhay ko'y nabuhay sa takot. ang mundo'y pinamumunuan ng mga batas ng poot na matatagpuan sa iba't ibang dako. kaya naman ay ang mga nakararanas ng dalisay na kaligayahan ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari.

sa bawat araw ng aking paghihirap, umaasang makakaahon sa ilang butil ng kasaklaman ngunit sa kaibuturan ko, wala akong ibang makikita kungdi ang kasuklaman ng buhay. patuloy akong naglalakad sa mga anino upang maghanap ng liwanag ngunit aking napagtanto'y malinaw kong nakikita na wala nang ibang paraan upang makalabas pa sa suliraning ito.

sa aking buong pagkabuhay, dala-dala ko ang mga basag na pag-asa't mga tipak na salamin. ang tanging sinag ng araw ang natitirang kislap ng aking mga masidhing lunggati sa rurok ng tagumpay. kung iyong titignan ang marikit na lilim ng gintong apoy na nagngangalit sa kanluran, ito ay ang aking mga minimithi na nakalilim sa puwang ng kalangitang asul. nais kong lumipad nang malaya tulad ng isang ibon sa kalawakan. sa mga kislap ng mga tala'y nakatingin, hinihiling na sana ang panagimpan ko'y dinggin. lahat ng iya'y hindi makakamtan sapagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible. pinapanood malunod ang aking sariling mundo mula sa aking bintana'y natatanto, mga pangarap ko'y dahan-dahang inaanod.
sa araw-araw na aking paglalakbay sa mga repleksyon ng kadiliman, isa lang ang aking katanungan, isang ilusyon lamang ba ang kapayapaang aking matagal nang inaasam?
may mga pangarap talaga tayong mahirap makamit at ito'y hanggang ilusyon na lamang.
kate May 2020
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula.

hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan.

muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita.

hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin.

bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan.

sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
panimula
J De Belen Feb 2021
Ang saya lang sa feeling ng ikay nakapiling at dumating sa aking piling kahit sa ilang saglit lang
Pag kapiling ka ang saya koy abot hanggang sa tenga
Yung tipong di ko maipinta kahit sarili kong mukha  sa galak at tuwa
Pag kasama ka wala na kong hinahanap na iba
Basta ang alam ko lang,masaya ko pag nandiyan ka.

Hindi mo lang alam
Matagal na kitang mahal
Palihim nga lang
Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon
Pero baka,bukas 'o sa ibang araw,diko alam kung kailan
Dahil baka dumistansiya ka na
Kaya patuloy pa rin akong magtatago sa anino ng "saka nalang."
Para sa kahit ganoong paraan ikay patuloy paring makapiling at malambing na rin
Yung lambing kong iba
Yung parang may engkantasiyon na bigla nalang magpapaamo sa iyong mukha at tatawa nalang bigla,na parang sira.

Ayokong umabot sa pinaka sukdulan na akoy iyong kasuklaman dahil lang sa nalaman **** akoy nahulog na sayo ng tuluyan
Bigyan mo sana ako ng kahit kaunting importansiya
Para sa iyo'y maipadama ang aking  tapat at tuod na nadarama
Baka sakaling di ka na lumingon sa iba
Pero kahit maghanap ka man ng iba
Lagi mo  tandaan na kahit ipagpalit mo man ako sa kanya
Ikaw pa rin ang nais kong makasama,
Maging desperada kumbaga
Ako yun,walang iba.

Alam kong di ka pa handa sa ngayon
Pero akoy mag hihintay pa rin hanggang sa dumating yung araw na puwede kana
Hanggang dumating yung araw na gusto mo na
Hanggang sa araw na puwedeng maging tayo na
'O hanggang  dumating yung araw na handa ka na
'O Hanggang dumating yung araw na magaan na sa loob mo na buksan ang damdamin mo para sa iba
At yung bagay na gustong-gusto kong balita na
Handa ka ng sabihin sa akin  ang mga salitang
Sige
Oo na
Tayo na at
Ako'y handa na.

— The End —