Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
jia Jul 2018
takbo mo'y karipas
sa bawat ahon na humahampas.
pinipilit tumakas
sa mga buhanging nakakalas.

ngiti mo'y di mapawi,
tingin ko'y di mawari.
sinasabi mo'y sari-sari,
buhok ko'y lagi **** hinahawi.

buntong hininga ang tanging ipinalit.
wala ka manlang bang kamalit-malit?
kama'y mo ay sa aki'y ikinawit,
sa akin ay ngumiti ka saglit.

pilit tinutugunan,
salita mo'y ako ay naambunan.
tayo'y nagtatawagan,
diri sa isang munting dalampasigan.

ikaw lamang ay maging masaya.
o aking sintang giliw, ako'y kuntento na.
makita kang nakangiti't tawa,
sa aki'y iyo'y sapat na.
Jun Lit Dec 2021
Tila namanhid na ang babahaang landas
walang patid ang agos ng luha, habang walang habas
ang malupit na lilik-panggamas -
patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas.

Kahit mura pa ang uhay
ng nagbubuntis na palay
Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay:
Walang sinanto ang pakay
ng aninong sumalakay.
Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay
tuyung-tuyô, tila balóng patáy.

Ubos na ang mga ninuno sa Purok
Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok
nangalat na sa malalayong pook
Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok
Ang lamping ibinalot, balót na ng usok.
Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok.

Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya.
May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita
Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya
Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada
kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada
sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura
mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka.
Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Ay! Lipa!
This is the 17th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years. Change is indeed inevitable. However, forgetting the past and/or revising history, will eventually prove quite costly for a country or people, culturally and in many other ways.
Jun Lit Sep 21
Tila namanhid na ang babahaang landas
walang patid ang agos ng luha, habang walang habas
ang malupit na lilik-panggamas -
patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas.

Kahit mura pa ang uhay
ng nagbubuntis na palay
Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay:
Walang sinanto ang pakay
ng aninong sumalakay.
Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay
tuyung-tuyô, tila balóng patáy.

Ubos na ang mga ninuno sa Purok
Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok
nangalat na sa malalayong pook
Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok
Ang lamping ibinalot, balót na ng usok.
Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok.

Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya.
May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita
Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya
Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada
kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada
sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura
mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka sa Lipa -
Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Pilpinas pala!
The original version was the 17th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
This year, I reviewed those of my poems that mention or discuss history. While the original poem actually refers to the forgotten massacres and related events during the latter part of the Japanese occupation (World War II), I came to realize that the events of the Martial Law years seem to have been forgotten also by our people, especially with the recent attempts at historical revisionism.
Change is indeed inevitable. However, forgetting the past and/or revising history, will eventually prove quite costly for a country or people, culturally and in many other ways.

— The End —