Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"karapatdapat" poems
Isang republika na gawa sa pangarap, Pangarap na walang kasing sarap, Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap, Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap. Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong, Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong, Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing, Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling, May pag-asa pa ba tayong lumaya? May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya? Kung lagi tayong kumokopya, Kailan pa ba tayo tunay na liligaya? Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin", Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin, Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin, Wag hayaang tayo'y lamunin. Produktong pilipino'y mahalin, Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin, Sariling wika ang aralin, Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin. Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit, Dahil tayo'y isa paring yagit, At nagpapagamit, At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
0
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 3:52 AM UTC
Republika Filipina
*Minsan nasabi ko nun sa sarili ko,na hindi na ako muling magsusulat pa. Kasi pag ako humawak ng papel at lapis sa kalagitnaan ng gabi ibig sabihin na hindi ako masaya at nilalamon na ako ng lungkot hanggang awatin na ako ng araw sa umaga at sabihin na pumikit kana. Pero sandali lang. Hindi naman ako malungkot at hindi naman hating gabi ngayon. Maingay nga dito at heto ako gising na gising. Sumasabay sa ingay ng mundo. Magsusulat ako para malaman mo kung ganu ka kahalaga. Yung kahit paulit ulit pa ok lang, kahit na di na tumugma ang mga letra at di ko makuha ang tamang talata. itutuloy ko na to. Pano nga ba,na ang mga nasulat ko dati ay puro kabiguan at sakit sa damdamin ang tema,pano nga bang ako ay nilalamon ng gabi at awatin ng umaga. Pano nga bang natapos ang mga araw na akala ko ay buwan na ang magiging araw. Ou nga nagsimula ang lahat sa salitang di inakala. Na ang pag ibig natin ay maihahalintulad sa mga eksena nang mga pelikula na hindi pa naipalabas sa sine o pelikula. Nais ko lang malaman mo at ng mundo na umiikot sa mga masasakit at matatamis na salita kung ganu ka kahalaga. Kung papaano mo tinapos ang mga gabi at araw na halos di ko na makilala ang aking sarili sa pagpapanggap para lang maging masaya. Salamat sa pagpapadama ng tunay na kaligayan at halaga. salamat sa tunay na pamilya na iyong dala. salamat sa mga simpleng bagay na lubos ko na kinasaya at salamat sa pagmamahal na walang katulad at dalisay simula pa nung umpisa. May mga araw na ako din ay anlulungkot kahit pa tayo na,Hindi dahil may ginawa ka pero naqpapaisip lang talaga ako kung karapatdapat ba talaga ako sa isang katulad mo. Pero salamat kasi ni minsan di mo pinadama na iba ka,kasi tayo nga naman ay iisa. Nais ko lang din malaman mo kung ganu ako kasaya,na merong ikaw at ako at darating ang panahon ay ikaw ako at mga bata. At nasasabik na din akong ikwento sa kanila kung panong ang ikaw ay umakyat sa pinakamatataas na kabundukan ng ating bansa. Masaya ako na nagawa mo ang mga bagay na iyong pinangarap at aabutin naman nating dalawa ang ating pangarap na maging ISA.*
0
Oct 27, 2017
Oct 27, 2017 at 10:38 PM UTC
Untitled

Continue reading...
18
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita Saan na kaya? Sana'y bumalik kana Hininitay ka na niya Matagal Tagal naring  ikay nawala Nalilibang kana ata? Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ilang bundok na ang kanyang inakyat Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na Habang ikaw ay naaaliw Bulong niya'y, oh aking giliw Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak Niyakap ka niya at sinabing Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ikay hinahabol niya Bamalik ka na daw sakaniya Basahin mo ulit ang kanyang mga salita Dahil ang mundong Ito ay mawawala Ngunit ang kanyang salita ay mananatili Nawawala Hinahanap Hindi Makita Pagmamahal na walang hanggan Mamahalin ka hanggang katapusan Kahit di tayo'y karapatdapat Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat Nawawala Hinahanap Hindi Makita Oh Diba ang Hirap makawala? Ang Hirap ng walang ama Kaya't Tara na at bumalik sakanya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap. Kay Tagal rin bago ka na hagilap Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa. Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay Para sa aming buhay
0
May 31, 2019
May 31, 2019 at 10:15 AM UTC
Nawawalang Tupa

45
Pasensya na kung akala mo ayaw kong makipag sayaw kasama ka. Sadyang hindi lang ako karapatdapat na ma-pares sayo.
0
Nov 20, 2015
Nov 20, 2015 at 9:38 AM UTC
Walang Titulo
Noong una akala ko ikaw at ako. Yun pala sa huli ay hindi naging tayo. Mahal na mahal kita pero sa pagkakataong ito handa akong bitawaan ka. Handa akong iwan ang lahat para maging masaya ka, Handa akong magpanggap na okay ako! Na okay ang lahat ng meron tayo. Kaibigan ba o ka - ibigan, pumili sa dalawa kung saan nararapat. Patawad kasi sa pagkakataong ito mahal parin kita, Patawad kasi hangang ngayon ikaw parin ang tinitibok nito. Sabi nila pagmahal mo ipaglaban mo bakit di mo ko pinaglaban? Diba ako karapatdapat sayo? Ano ang kulang? May kulang ba ako? Dating ikaw at ako lang ang masaya walang inisip na problema. Dating ikaw at ako lang ang kailangan pero bakit ngayon walang ikaw at ako. May problema ba sating dalawa? May pagkukulang ba kong ginawa? Binigay ko naman lahat sayo, tapos eto lang isusukli mo. Bakit mo ko hiniyaang mahulog sayo? Sino ba sa ating dalawa ang Tanga? Ikaw o Ako? Sabihin mo para may alam ako? Hahayaan mo na lang ba ako? Hahayaang makuha ng iba? O Hahayaan mo na lang akong na masaktan. Dating ikaw at ako lang ang meron noon ngayong ikaw at siya nalang ang pwede, Hindi na tayo pero bakit ako lang ang nasasaktan. Samantalang ikaw naman ang nangiwan sa tulad ko na handang patawarin ka, pero sa huli sinayang na pagmamahal ay nauwi sa walang naging Ikaw at Ako.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 7:54 AM UTC
Dating Ikaw at Ako
Ika'y aking inaantay Sa gitna ng kawalan at mayroon Kahit ako'y nahihirapan Ngunit ika'y aking minamahal Kaya't kakayanin ko hanggang sa dulo Sapagkat naniniwala ako na ikaw ay karapatdapat At aking pinipili at binibigyan ng kapangyarihan Na ako'y saktan mo, gusto mo man o hindi
0
Oct 27, 2016
Oct 27, 2016 at 4:37 AM UTC
Ikaw
Pagkakamali, pagkakasala, Ano ba ang gantimpala, Ito ba ay nararapat? Ito ba ay sapat? Ang kasalanan ay kasalanan, Di na kayang baguhin ninuman, Bagay na may kapalit, Di kayang takasan kahit anong pilit. Sapagkat ito ang mundo, Batas ng supremo, Nararapat para sa karapatdapat, Hatol na kay tapat. Huwag itanong ba't nagdurusa, Ganyan talaga yan, Dahil ang kasalanan, Meron at merong kabayaran.
0
Apr 14, 2017
Apr 14, 2017 at 7:49 AM UTC
Kabayaran
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin. Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit. Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan. Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin? Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 9:14 AM UTC
"Paano kaya kung hindi ako natakot?"
ilang taon na ang nakalipas at wala akong naisulat na kahit na ano sa lahat ng nangyari, sa lungkot, sa ligaya, hindi ko magawan ng kahit simple lang na tula. parang naubusan ako, para bang naubos ako. pilit kong sinusubukan, ngunit napagod lamang ako. napagod piliting may maramdamang malalim, sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako karapatdapat makaramdam ng kahit ano. ngayong sa aking pagbalik, nais kong makasalubong ang dating ako. sana sa panahong ito, mahanap ko muli ang sarili ko.
0
Apr 5, 2021
Apr 5, 2021 at 12:31 PM UTC
part two