Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kapansanan" poems
ni Reagan A. Latumbo Hindi man ako biniyayaan ng karangyaan, O nakakain ng masasarap na pagkain sa hapag-kainan, O nakabili at nakasuot ng magagarang kasuotan, Kuntento naman ako sa lahat noong panahon ng aking kabataan. Mahirap man ang buhay na aking pinagdaanan, Milya man ang nilalakad ko noon marating lang ang paaralan, Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-abot ng aking pangarap kahit na nasaktan, Tiniis ko ang lahat dahil Siya ay nariyan. Kahit na pandinig ko ay unti-unti na ngayong nawawala sa akin, Nariyan pa rin si Ama at ako ay hindi Niya pinababayaan. Kaya kahit ako man ay may kapansanan, Naibabahagi ko pa rin ang aking talento at kaalaman. Sa mundong aking pinapasukan, Sa trabahong aking iniingatan, Kahit bingi man ay marami pa rin akong natutulungan. Mga baguhang empleyado ay aking tinuturuan. May kapansanan ka man o wala, Ang pagtulong ay hindi dinadaan sa usap-usapan. Ito ay kusang ginagawa at pinaninindigan, Maraming tao ang lubos na masisiyahan kung tulong mo ay hindi ipinagkakait sa kanilang harapan. Bingi ka man o bulag o kulang ka man ng kamay o paa, May sakit ka man sa puso o namanang karamdaman o wala, Kapag tulong ang hinihingi, 'wag kang mag-aatubiling ipagkait ito sa iba, Dahil sa bandang huli, ang iyong kabutihan ay masusuklian Niya.
0
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 1:20 PM UTC
Kapansanan Ay Hindi Hadlang
Yakapin ang suliranin ng muling pakikibaka Bigat at layog ng bundok ay tiisin Sa tuktok ay maghiyaw nang pagka-alwan Sagot sa problema ay ang pangingibabaw sa bawat kapansanan Buhawing humihigop ng munsing na pananalig Madalian na hinihingi ang kapasiyahan Sa pinto ng paglalayag Isang pagsubok ang malakas na sigwa Sa paglisan ng araw sa kalangitan Sakripisyong di-maihahalintulad Saksi ang mga bakaw Tila pag-aasawa na nasa linya Ang pagsasarili nito noong lumayo sa tahanan Isinuko ang lahat nang bumukod Sa pinangakuang liyag nakagapos Bumago ang ihip ng Amihang hinahapo Meron kasal-kasalan Gantimpala ba ang matatanggap? Nauuri sa hunghang na ehemplo Sakim sa bagay na kinakaaliwan?
0
Dec 19, 2018
Dec 19, 2018 at 6:38 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #18
Ang Wheelchair, [Bow!] Alalay sa may karamdaman Sandigan ng may kapansanan Kublihan ng mga tampalasan ng bayan Gamit sa pang-uuto sa sambayanan . . . Ang Wheelchair . . . Translation: The Wheelchair, [Bow!] Assistant to the sick human Support for the disabled man and woman Convenient cover of the corrupt gang Used for fooling the people all and one . . . The Wheelchair . . .
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 8:58 AM UTC
Ang Wheelchair
ako'y walang boses, nakakulong at nakagapos angking karuwagan ay pilit ko mang tinatapos wasak na repleksyon ay ‘di na yata maaayos katangi-tanging hiling ay nais mang isatinig nawa'y poong maykapal, ito'y iyong madinig sa nagdaang panahon na binabalot ng lamig ang sariling kapansanan ay tila walang lunas sa aking pagpikit ay iniibig kong kumaripas sa mapait na ilusyon na hindi yata lumilipas
0
Apr 7, 2019
Apr 7, 2019 at 12:19 PM UTC
sa gitna ng dilim
Dinggin ninyo Ang pag-ibig ay mapanibughuin Ayaw may kahati Ni ayaw magpasaling Ang pinangakuang kamay lang ang dapat tumangan Kapag may ibang humawak Ay mangyayari ang tunggalian Ito'y maramot - di mapagbigay Sa tulaling kabiyak niyang laging nakaugnay At ang takbo ng oras sa kanila ay mabagal Nararamdaman ng bulag Nauunawaan ng pipi Umaalingawngaw sa tenga ng bingi Walang kapansanan Walang dahilan sa hindi pagganap Ngunit nang minsan natanaw Na may ibang kalaguyo Nagunaw ang mundo Dahil lubos ang tampo
0
Oct 4, 2019
Oct 4, 2019 at 11:50 PM UTC
Ang pag-ibig Ang Panibugho
Enero Diez y Seis, Dos mil Kinse Lulan ng isang simpleng kotse Unang tinungo Palasyo ng Malacañan Pinagsabihan mga pulitiko huwag magnakaw sa bayan Sa pagpasok ng palasyo binasbasan mga bata Sa paglabas ng palasyo binasbasan matanda Ikalawang tinungo Manila Cathedral Pinangunahan pagdaos ng Misang Banal Sa pagdating, sakay muli ng Pope Mobile Sa pag-alis, mga umaantabay sa daan ‘di parin papigil Huling tinungo Mall of Asia Pinulong mga pamilya sa malaking asembleya Sa pagsalubong may regalo mula sa may kapansanan Sa pag-iwan may pailaw mula sa mga nagkakantahan Ngayong araw kanyang isinulat sa talaan Panalangin ng pag-unawa, kapayapaan at kaginhawaan. -01/17/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:41 PM UTC
Ikalawang Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas