Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalakas" poems
Patawad. Sa mga salitang sinabi ko, mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko mga salitang hindi sigurado ng puso ko sinabi kong magiging malakas ako, sinabi kong ayos na ko, pero hindi ako ganun kalakas di ako ganun ka ayos at nalaman ko, nalaman ko na, hindi pala naghihilom ang sugat ko Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo nagpupuno ng pagkukulang ko, Sino ako? Sino ako para humarang sa kasiyahan mo. Hindi ako hahadlang sayo. Alam kong kabaliwan ito, sana pagkatiwalaan mo kung ito ang dapat akoy maglalaho. Kung tama na ang nararamdaman, gawin mo ang yong gusto Dahil hindi ko isisi sayo na ang pinili mo ay hindi ako Mahal masakit pa Pero kung meron ng ibang nagpapasaya pinupunan nag pagkukulang ko ng iba Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ? Kung ito man ang aking nadarama, hindi mo na ito problema dahil kung meron ng ibang nagpapasaya Hindi ako papagitna. Kung may pagkakataong may magtanong kung sino ka. sasagutin ko. Dating Kakilala.
0
Apr 7, 2018
Apr 7, 2018 at 3:12 PM UTC
Sino ako
Gaano kana kalakas Sa dami ba ng mga bakas Na iyong mga dinanas Sa mundo na marahas Gaano kana katatag Hindi na ba binabagabag Pader ba'y di na matibag Mahusay na mapagpanggap Lakas na saan kinukuha Limot maging pagluha Sa sakit o kirot natutuwa At di na namamangha Sa napaka tagal na mag-isa Di na kailangan ng iba Umaasa sa iba O inaasahan ng iba? Ang mamon ay bato na Ito'y matagal na Lumalakad mag isa Nang walang pangamba! Walang mapapala Kahit ipilit ang salita Ang lahat waring abala Sa taong nasanay mag-isa -JGA
0
Dec 21, 2021
Dec 21, 2021 at 6:50 PM UTC
Mag-Isa
Dati ako'y nagagalak sa dilim–tahimik at payapa. Nakakaramdam na ako'y malaya. Sa paglipas ng panahon, nagbago na ang aking pananaw. Hindi na tuwa, kundi takot na ang nangingibabaw. Sa pagsapit ng dilim, heto nanaman. Nangangamba sa mga munting tinig na umaalingawngaw. Pagdurusang walang makarinig kahit gaano kalakas ang iyong sigaw.
0
Aug 26, 2019
Aug 26, 2019 at 10:47 AM UTC
Dilim
Pitumpu’t Lima, ‘Yan ang taong nandito ka. Ngayong upos na ang ‘yong kandila, Ilaw mo’y ‘di na mapupundi pa. Huling gabi mo na ngayon sa’yong tahanan. Ngunit ang buhos ng ula’y parang wala ng katapusan. Hindi ko alam anong gusto ng kalangitan, Subalit bakit ito’y tila nakatatahan. ‘Di ko lubos maisip na sa kinabukasan, Eto na ang huli kong masisilayan. Kung gaano sana kalakas ngayon ang ulan, Lahat ng ito’y hihina rin sa kinaumagahan. O kay dagli ng iyong paghimbing Sakit na ‘di mo mahahambing. Sa kabila ng hirap na ‘yong dinaing Lahat ng ito’y ‘di na sa’yo makararating. Sa larangan ng sining, Kami sayo’y nahuhumaling Iba ang taglay **** galing, Isa kang batikang itinuturing. Sa mga obra **** iniukit, Pasasalamat ang aming sambit. Mga ala-ala ng bawat saglit, sa puso’t isipa’y nakaguhit. Hindi man kasing husay at talentado, Larangang ito’y patuloy na isasabuhay ko. Pinapangako ko, aking Lolo Sandali nalang, Apo mo’y magiging arkitekto. Kung kami ay maglalambing, piging ang nakahanda sa’yong paggising. Tiyak ngayon atensyon mo’y sa lola nakabaling Kung mayroon lang kaming isang hiling, Ito‘y muli kayong magkapiling.
0
Jan 22, 2022
Jan 22, 2022 at 2:03 AM UTC
Ukit Ama
Luha na pumapatak sa aking mga mata Katumbas nito Ang libo-libong ligaya. Pasyensya na ha kung nag kulang ako ng pag mamahal ko sayo Ibinigay ko nman Ang best ko para sau . Upang maramdaman mo namahalaga ka. Pero kahit ano gawin kowala paring halaga Nasa point na nga ako na gusto ko na kumawala na para bang ako'y nasa selda na WALANG bintana Pagod na pagod na ako sawakas at nag kalakas din akk ng loob na sabihin Ito sayo. Maraming salamat at. Napasaya mo ako kahit sa kaunting panahon na mag kasama tayo PAALAM MAHAL KO.
0
Jan 14, 2019
Jan 14, 2019 at 4:41 PM UTC
PAALAM