Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kabute" poems
Hihintayin ba kitang bumalik? O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik? Namimiss ang matatamis **** salitang Kay sarap balik-balikan. Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo, Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo. Puro s'ya lang 'to, Pero paano naman ako? Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo? Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo. Pakiramdaman ko'y parang hangin, Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin. Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak.. Sayo, nahulog na ako sa'yo. Ano pang magagawa ko? Ayun, nagpanggap lang naman ako Na parang walang pake sayo. Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod. Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo. Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo. Ayoko namang maging ahas o linta Na grabe kung makapulupot, Grabe makasulot. Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa. Hindi ko alam kung babalik ka pa.. Pero, ito ang mensahe ko sayo Sa oras na mag-krus ang landas natin Gusto kong malaman mo Na lahat nang nangyari pagitan satin Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat. -miss xEKIS
0
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:29 AM UTC
Imahinasyon
Bigla ka na lamang sumulpot na parang kabute. Kasama ang mga simpleng ngiti mo na nakakahalina. Isang imahinasyon na unti-unting nalikha ng di namamalayan. Mula sa mga teorya at ideya na pwedeng mabuo tungkol sayo. Doon palang alam ko ng gusto makipaglaro sa akin ng tadhana. Nagtataka bakit sa bawat pag gising ko sa umaga, Kahit sa palagay kong nakaka-isang hakbang na ako palayo sayo, Sa tuwing makakasalubong kita at madidinig ko ang tinig mo, Tatlong hakbang pabalik nanaman ang tatahakin ko. Di ata napapagod ang tadhana, pwes ako hinihingal na. Langya, napakalabo nga naman diba? Maging tayo, ikaw at ako, diin ng iba. Hindi ko alam kung tama pa ba o tama na. Ayokong malaman, ayokong makawala. Makikipaglaro na lang ako hanggang manalo na ko sa tadhana.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:39 PM UTC
Tadhana
Mayroon akong kwento, Sana ay mabasa ninyo. Tungkol sa isang bobo, Na minahal ang matalino. Makurba ang katawan ni Matalino. Mapungay naman ang mata ni Bobo. Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo. Kamalditahan naman ang kay Matalino. Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa. Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino. Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao. Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya. Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo. Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw. Gusto niyang mahalin siya ni Matalino. Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw. Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon, Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit. Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon, Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit. Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan. Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan. Abot na niya ang langit sa kanyang harapan, Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:34 AM UTC
Si Bobo at Matalino
50 Anim na araw bago ang kasalan Muling nagkita ang magkasintahan 51 Kasama nila ang Diwata ng Lupa Sa pook na itinalaga 52 Unang pagsubok sa prinsipe Tanggalin lahat ng mga kabute 53 Kanya itong kinayang mag-isa Gamit ang matalim na espada 54 Mula umaga hanggang hapon Oras at lakas niya’y itinuon 55 Habang si Loria’y tagapagpunas-pawis At tagapagpa-inom sa prinsipeng pagod na labis 56 Sa wakas paglubog ng araw Naubos lahat ‘di man nagpugnaw. -06/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:52 PM UTC
Siboloria 8 -Unang Pagsubok-
92 Bago magbukang-liawyway ay nilamon Ng bubuli ang prinsipe bago bumangon 93 Kumaripas sa kagubatan Iniluwa’t muling nagkita ang magkasintahan 94 Naroon din ang Diwata ng Lupa Mga kabute’t tubig ay dala 95 Pagkain at inumin isusuhay Sa mahiwagang bubuli isasakay 96 Sa ‘di kalayuan ay umugong Mula sa palasyo ang budyong 97 Pinaulan ni Bulawan ng buhangin ang kagubatan Upang pabagalin mga kalaban 98 Tungo sa Gintong Lupa! Unang Lahi ng mga tao roon – kina Sibo at Loria! -06/21/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:56 PM UTC
Siboloria 14 -Ang Alamat ng Unang Lahi sa Gintong Lupa-
Akala ko dati ay tama ang pinasok ko, Ngayon sa aking pag munu-muni’y aking napagtanto Hinyaan kitang pumasok sa puso ko Di ko alam na ito’y wawasakin mo. Noon ako ay nagpakatanga sa iyo Marahil ay mahal kita kahit ika’y gago… Noong panahon na lumisan ka Lahat ng pagmamahal ko saiyo ay nawala. Noon ay nanumpa ka’t nangako Hindi ko alam na ito pala’y mapapako, Sabi mo hindi mo ako sasaktan, alam mo bang sa ginawa Mo ay para mo na rin akong sinasakal? Para kang kabute na sumulpot sa kong saan Ngunit bula namang maturingan; Pinaghirapan mo akong madungkit ang masaklap lang Ay binitiwan mo’t di na nagbalik. Sa tuwina ay maririnig ko Ang malakas na batingaw sa isang sulok “TangaLang, TangaLang, TangaLang” Napatawa na lang ako at napatungo, parang tanga lang.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 12:47 AM UTC
TANGA LANG