Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dhaye Margaux Sep 2015
Heto ako ngayon, punum-puno ng ngiti
Isang balatkayo na mananatili
Habang ako'y takot, ngayo'y walang lakas
Tahakin, suyurin, maulap na bukas

Masdan mo ang labi na nag-aanyaya
Ng isang masayang puso ko at diwa
Subalit kung masilip ang puso kong pagal
Lakas at tatag ko'y di na magtatagal

Halika't yakapin ang aking alindog
Masdan at lapitan, aking niluluhog
Sana makita mo ang bawat bahagi
Naluray na laman, dito sa 'sang tabi

Durog na ang dibdib, maging ang isipan
May bukas pa kayang sa 'ki'y nakalaan?
Masdan ang palad kong natigmak sa dugo
Halika't subukang gamutin ang puso

Tayo na't maglakbay, ang diwa kong tulog
Panaginip sana'y saya ang idulog
Maging totoo ka't isayaw mo, sinta
Magsaya sa gabing pag-ibig ang dala.
Para sa mga nangangarap... <3 <3 <3
G A Lopez Oct 2019
Mahirap maglakbay
Sa mundo ng sanlibutan
'Di maiiwasang mahirapan
Ihanda pa rin ang sandata
Ika'y lumaban.

Tutuksuin ka ng sanlibutan
Ngunit hindi iyan ang dahilan
Upang pagsamba'y iwanan
Manalig ka
At ng 'di na muling maagaw pa.
Sa Kaniya mo idulog iyong mga panalangin
Ika'y tiyak na didinggin
Hinagpis mo'y papawiin
'Wag kakalimutang siya'y pasalamatan
Kung ang saya'y muli **** nakamtan

Marami mang tiisin
Hindi ka niya bibiguin
Bagkus ika'y iibigin
Magtiwala ka sa Kaniya
Mahal ka ng Ama

Kapatid, asahan **** pangako Niya'y kakamtin
'Wag kakalimutan ang tungkulin
Mahirap malunod sa baybayin
Ngunit ika'y makakaahon din
Sa tulong ng may likha sa atin.

— The End —