Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ginustong" poems
Ang buhay ng  tao'y kay daming hugot Mga problemang sayo'y pumapalupot. Ang sarap ibaon at wag nang ihugot. Mga ala-alang saakin na lang ay isang bangungot. Sobrang saya na sana natin Naka guhit na ang mga pangarap na sana'y tutuparin Nasusuka na ako sa salitang sana, gusto sana kitang yakapin Pero kailanman hindi mo ginustong mapasaakin. Sayang lang yung mga perang hinugot ko sa bulsa Oo nga pala, ang lahat nang ito'y nakakabit na sa salitang sana. Pero hayaan mo na, nabusog ka naman yata. Kahit 'wag na ako, ganon naman talaga 'diba? Patapos na yung aking kadramahan. Iyon naman ang bukambibig mo 'pag gusto ko sanang maramdaman Mapait na pagmamahal sana sa iba mo na lang inilaan Tatakpan ko na yung butas sa puso, para hindi mo na mahawaan Masiyado ka na kasing maraming hinugot saakin Na akala ko ikaw ang makikinabang.
0
Oct 21, 2018
Oct 21, 2018 at 12:10 PM UTC
Hugot
Pinaiyak, hindi napaiyak Sinaktan, hindi nasaktan Pinaasa, hindi napaasa Naiwan? Baka iniwan Hindi maaring sabihing napaasa mo kung Ni minsan hindi mo ginustong saluhin Hindi tamang sabihin na naiwan mo siya Dahil hindi niya ginusto sumama sa landas na alam **** ayaw niya Hindi katanggap tanggap ang sabihin **** "pasensya at nasaktan kita" habang wala siya sa isip mo nung mga panahong nagsasaya ka sa mga bagay na ika-lulungkot niya Hindi tama Mali May pagkakaiba sa dalawa Hindi ito isang aksidente Sinadya mo, ginusto mo Ngayon Sinanay niya ang sarili na wala ka Pinili niyang maging masaya ng hindi ka kasama Ngunit wala kang magawa, hindi mo sinasadya, diba?
0
Dec 7, 2016
Dec 7, 2016 at 6:28 AM UTC
PINA
wala kang karapatan ipalagay kung ano ang nararamdaman ko kasi di ka nagtanong at di mo rin naman ginustong malaman ang sagot kaya, pakyu
0
May 5, 2015
May 5, 2015 at 7:31 PM UTC
Untitled
"Ikaw at Ako -Walang Tayo" Gusto kita, Gusto mo sya Hahaha nakakatawa Sa loob ng ilang taon, nagawa Kong mangarap ng gising At wala akong ibang ginawa kundi Ang humiling Pero kapag sinusuwerte ka nga naman --- Teka swerte nga bang mababansagan? Tng**! Ano 'to lokohan? Ni minsan di ko ginustong maging "Siya" Kasi ako 'to Pero ikaw? Pinangarap mo? Hindi ko kailanman hinangad na magustuhan mo dahil sa awa! Oo! Sabihin na nating nagustuhan mo 'ko -- Pero iba naman ang iyong nakikita! Hindi ko kailangan ng atensyon mo Kung gagawin mo lang panakip butas Ang puso ko! Kung magmamahal ka din lang naman , Siguraduhin mo nang totohanan! Tng**! Tao ako at may damdamin Oo! Hindi ko magawang maamin Na hanggang ngayon gusto kita! At hanggang ngayon,ikaw lang at walang iba Pero tng**! Matuto kang makaramdam! Di porke't nakangiti, di na nasasaktan! Pinipilit ko lang maging masaya sa t'wing kausap ka Ngunit sa totoo lang? Bumibigay din ako. Alam ko namang napaglaruan lang ako ng pagkakataon Kaya sana naman, matuto kang makiramdam sa sitwasyon, "Sana nga ikaw na lang" Oo ! Sana nga ako nalang! Masakit pakinggan. Dahil patuloy nitong pinapaalala na kahit kailan, Di mo ako magugustuhan. Kase "Siya" at "Siya" pa din ang laman ng puso mo "Siya" parin Ang nag-iisang tao sa buhay mo "Siya" pa rin Ang tanging nagpapasaya sayo At sa kanya pa din umiikot Ang mundo mo! Nakakainggit "siya" pero kahit kailan, Di ko nanaisin na magpalit kami ng katauhan. Mahal ko Ang sarili ko! Ako kaya 'to! At ito lang ang tanging mayroon ako Dahil sa mundong ginagalawan natin pareho, Mayroong ikaw, mayroong ako Pero kailanman, walang mabubuong Tayo!
0
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:37 AM UTC
"Ikaw at Ako -Walang Tayo"

Continue reading...
43
Binilang ang mga araw Na wala si Dessa Ang bahagharing  bumabalantok sa langit Ay nakakasuyang larawan sa daigdig Malamlam kahit sagana ang kakulayan Umiibayo ang hinagpis sa namumutlang pisngi Nangungulila nang lagaslaw sa dikit na hindi kumukupas Kung maaaring mapanaginipan Ay yayapusin Hindi dahil sabik sa yakap Ito 'y upang maipadama ang pamimintuhong dumadarang Sa gaslaw ng mga dahon Himig ng mga ibon May kailaliman ang gabi Mangunguyapit sa liwanag ng buwan, Gigiliwin ang dinadaing ng kalooban Di makaalpas sa anino ng liwayway Pinahiran ang kaluluwa Ng pabangong di pumaparam Ginustong gumanap bilang martir sa pag ibig
0
Aug 25, 2019
Aug 25, 2019 at 5:36 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #72
May mga oras na pagagalitin mo ako at gagawin mo akong hindi ginustong galit, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." Mayroong mga malupit na salita na maaari **** sabihin na hahantong sa akin masaktan at magdadala sa akin ng kalungkutan, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." May mga hindi matalinong pagpapasya na iyong ginawa na biguin ako, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." May mga pagkilos na maaaring aksyon mo na mag-aalala sa akin, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." Magkakaroon ng mga sandali kung saan mo ako maiiyak at dadalhin mo ako sa luha, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." Magkakaroon ng hindi mapagpapatawad na mga pagkakamali na idinulot mo sa akin, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." May mga kasinungalingan na sinabi sa akin kung saan sinubukan mo ang aking tiwala sa iyo, ngunit kahit ano pa man, "I will always love you." Sa buhay may mga paghihirap, argumento, at mga hamon na dapat nating tiisin, ngunit kahit ano pa ang mangyari, nais kong malaman mo na, "I will always love you," ngayon at magpakailanman!
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 9:03 PM UTC
Ang Paraang Mahal Kita
Napalitan na ng sigawan Na dati’y isang malakas na tawanan Nakaririnding bagsakan ng pintuan Na nagbibigay kaba sa’king kalooban Mabibigat na yabag ang bumabagtas paakyat at pababa ng hagdan Na tila nagpapahiwatig na may nangyaring sagutan, Nakakabinging katahimikan Na minsan ay hindi ko ginustong maranasan Walang katapusan na pagtatalo Palaging nakalingon sa nakaraan, hindi magawang kalimutan Ilang taon na ang lumipas ngunit palaging hinuhugot pabalik sa kasalukuyan, Palaging mayroong argumento Pero ano ba ang tunay na napapala? Sino ang nanalo at sino ang natatalo? Sino ang magdedetermina sa kanilang dalawa na tama na? Sino sa kanilang dalawa ang unang magtataas at magwawagayway ng kanilang puting bandera? Hindi lingid sa aking kaalaman na wala isang perpektong pamilya Hindi maiiwasan ang pagkakaroon nang hindi pagkakaintindihan Ngunit ang isang away at papatungan pa ng isang away, parang ibang usapan na yan. Kaya minsan- Mas pinipili ko na lamang ang mag-isa Magkulong maghapon at magdamag sa kwarto habang sa’king kama’y nakahiga Nakikinig sa mga luma’t bagong musika, o ‘di kaya naman nanunuod ng pelikula Sapagkat iyon ang mga oras nawawala ang aking pangamba Na baka mayroon sumabog na alitan sa pagitan ni ama’t-ina Tahan na tahanan, Napalitan na ng sigawan ang dating malalakas na tawanan Hindi na ikaw ang munting bahay na masaya kong inuuwian Punong-puno ka ng tensyon at ang enerhiya sa paligid mo’y hindi na kaaya-aya Ang tanawin sa iyong apat na sulok ay hindi na maganda Kung kaya’t tahan na tahanan, Parehas tayong umasa na ang lahat ay babalik sa dati nating nakasanayan
0
Sep 27, 2020
Sep 27, 2020 at 12:53 PM UTC
Tahan na Tahanan

32