Nagising mula sa maingay na telepono Tinig na bumabati ng isang maginoo Maligayang kaarawan saad ni Piccolo Bumangon ka na riyan at pumarito
Katawan ay nakapako pa sa higaan O, bakit ba kay lambot nitong aking unan? Ang bumangon ay tila palaisipan At ang panaginip ay nais pang balikan
Ngunit tatayo na upang mundo ay harapin Sa labas ng pinto katotohana'y malagim Sa likod nito ay papanhik pa rin Sapagkat ang tumanggap ay natutunan ko na rin
Sa lugar kung saan ang lahat ay gaganapin Lahat ng handog at pagbati ay tatanggpin Ngunit tila nasa gubat at nag-iingat pa rin Sapagkat maging sa mga banal ay may ahas pa rin
Sa wakas ang araw ay natapos na rin Bulong sa sarili na tila ba aantukin Ang araw na ito'y tiyak na lilimutin Nang taong sa tiwala'y may suliranin
Umulan ng mga talulot sa simbahan May palakpakan, palirit Sapagkat pumunta sa kasiyahan Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan
Katabi ng lalaki ang mahal Puro halakhak at wala nang pag ngiti Sa mga ka-nayon na bumabati Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan
Bago matapos ang selebrasyon ay lumapit sa asawa ng maharlika Ang pagbati ay ibinulong sabay nakaw-halik sa pisngi niya Tumalikod at di lumingon Bigla na lang pumatak ang mga luha
Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib Tibok ng puso'y lumikat
Lumakad nang papalayo Kahit mga paa'y mabigat iangat Nanginig nang lumisan Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
Katorse de Agosto Ngayong kambal-taon kaganapan di na wasto para bang koraL sa taLon
Pinigilan kong huwag humawak ng pLuma ngunit sadyang malapit sa akin ang tugma na tila ba regalo Lulan sa loob nitong papel de hapon Ako'y napasulat at tuluyang humugot sa mahiwagang kahon
A-kinse na pala, akin ngang namalayan Alas-dos impunto nang relo aking tiningnan Bagamat nga dahil sa ang hapag-sulatan ko ay kapos na Hindi naman ito ang kataposan para sabihing ang tula ko ay tapos na...
Makandadohan man tayo sa pintoan ng kapalaran At itrangka sa atin pati na ang bintana ng tadhana MagiLiw pa rin akong bumabati sa bawat isa na makababasa sa tulong nitong teknolohiya sa panahon ng pandemiya...
Kamusta na po ba kayo? sa bagong normal na pamumuhay Ikaw, ako, siLa... Lahat tayo ! Gawin pa rin nawang pormal itong ating buhay
Hindi man nga natin ngayon nakikita yaong kalaban... Kinikita pa rin naman maituturing nating kaibigan ! " Siya ang Liwanag, ang tamang daan sa katotohanan at ang B U H A Y " hanggang dito na lamang, hanggang sa muLi, nagmamahal... TULA~Y