Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"basurahan" poems
Nang ako'y masaktan nang walang dahilan,  Nandyan sa tabi ko, 'di mo 'ko iniwan Palagi mo akong tinutulungan at  Sinusuportahan mo ako sa lahat  Ang tunay na pag-ibig ay ganyan dapat  Parang aso't pusa kung tayo'y mag-away  Natapos natin ang ganyang mga bagay  Kasi sa totoo lang, ganyan ang buhay  Sa dami-daming pinag-awayan natin Nandoon parin ang pagmamahal natin  Ang buhay ko ay punong-puno ng gulo  Sobrang nakakasakit ng ulo Pero pagka nandito ko sa tabi ko  Nawawala ang buhay kong gumuguho  At parang umiilaw ang aking mundo  At dahil diyan, huwag mo 'kong iiwan  Kasi hindi lang ako ang masasaktan  Tayong dalawa rin ang magdudurusa  Kasi naman pagka ako ay lumuha  Suguradong-sigurado na babaha  Nawala ka at hindi ko alam bakit  Ang puso ko ay punong-puno ng galit  Nang ikaw ay umalis ng isang saglit  At nang dumating ka sa iyong pagbalik  Binigyan mo ako ng isang munting halik  Pero isang panaginip lamang ito  Nagising ako't sumapit ang ulo ko  Pag-ibig ko'y itinapon sa basurahan  At hinding-hindi ko na babalikan  Hindi na ako makikipagbiruan...  Dahil ayaw na ayaw ko nang masaktan
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 1:40 AM UTC
Isang Panaginip
Tinukso mo ako ng iyong maskara Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak Mga bintana mo'y tila walang sara Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak Akong naghahanap ng lugar sa mundo Namalik-mata nga't naakit mo agad Sa mga pangako'y nadala't natukso Naghintay ng dulot, magagarang gawad Sa aking pagyakap sa pintong makinang Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan Saya ang papalit sa dusa at hirap Subalit nagulat sa aking pagmulat Ang pinto **** pilak ay puro kalawang Mga bintana mo'y nabuway ng lahat Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan Paano pa ako ngingiti, sasaya Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho? Mabubuhay ka bang kuntento't payapa Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho? Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo Sa bilangguan kong kakila-kilabot Subalit kadena ko'y mayroong kandado Kasama ba akong mababaon sa limot? Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso Kadena sa paa'y aking wawakasan Mabubuhay ako na hindi bilanggo Ipaglalaban ko, aking kalayaan! ---Marguerite 9/18/2015 7:33 am
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 5:14 AM UTC
Bilangguan
Narito, isang pirasong papel, Nakalamukos sa loob ng isang basurahan, Basurahan na siyang pinagtapuan, Basurahang taguan ng mga dumi , Dumi na mula sa tao, Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo. At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi. Ang pahina ay napuno ng tinta. Maraming-maraming tinta. Nangingitim, kumakalat, naninikit. Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta. Mababasa ang titik na nalikha ng tinta. Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap. Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod. Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina. Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang. Hinangin ang pahina ng papel. Nagpulasan ang mga uod sa tapunan. Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid. Naninipsip sa napupunit na piraso. May naghagis ng isang kalat. Inihagis sa ibabaw ng papel. Gumalaw ang papel. Nagitla ang naghagis. Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis. Ipinukol sa papel. May ilan pang nakakita. Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit May mga naguguluhan sa mga nakasaksi. Ang papel ay walang magawa. Lumalambot ang bawat hibla. Ang papel, sa kanyang pagkatunaw Ay akin ding pagkatunaw. Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat Kalakip ang mga tulad kong papel... Sa... aklat. Sa... tula.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:03 AM UTC
"Papel" ni P.T. Simon

"Papel"
Ilang oras na akong nag-iisip para sa tamang salitang bibigkasin,Marami ng salita sa isipan ay dumaan ngunit ni isa ay wala ditong nagustuhan. Ilang pahina na rin ng papel sa basurahan ay natapon at ilang tinta na rin ang nasayang,Pero hangang ngayon hindi ko parin mailabas ang nais ipahiwatig at nais iparating nitong puso't isipan. At sa wakas palad ko'y kusa ng gumalaw at mga salita sa isip ay akin ng bibitawan,mga salitang sana sa puso't isipan mo ay manirahan. Tula ang aking daan para sinasaloob sayo ay iyong matunghayan,. Mahal,Sana... Mahal,Sana wag piliin na puso ko ay gawing Libangan lang. Mahal,Sana sa araw na sinabi kong Oo,Pahalagahan natin yung Tayo. Mahal,Sana pag naramdaman **** Napapabitiw ako,Pakihigpitan ang kapit sa palad ko. Mahal,Sana kung mapadulas man ang palad ko at mapabitiw sayo,pakihatak naman ako pabalik sa piling mo. Mahal,Sana kung sakaling isa satin maligaw ng landas ay mahanap parin nadin ang daan sa kung paanong naging Tayo. At ang dalangin sa Maykapal.. Mahal,Sana wag tayong dumating sa tinatawag ng karamihan na "Patawad mahal,ngunit sayo ay kailangan ng Magpaalam".
0
Aug 13, 2019
Aug 13, 2019 at 5:48 AM UTC
"Mahal Sana"
Mayroong tao Na mabait sa harap mo Subalit kapag nakatalikod sa’yo Kung anu-ano ang ibinabato – Plastik ang tawag dito! Kapag kausap mo siya Ikaw ay sinasamba Kapag sa ibang tao na Ikaw ay dinudusta – Plastik siya talaga! Ang mga plastik sa lipunan Nababagay sa basurahan Sila’y ubod ng karumihan Dapat silang pandirian At iwaksi magpakailanman! -06/09/2013 (Dumarao) *My Stormy Morning Poems Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:40 PM UTC
Plastik!
umiikot ka na naman sa tabi ng parisukat na tatlong taon mo ng ginagawa araw-araw. binabaybay ang makipot na diwa sa malawak na kamalayan hanggang tuluyan itong sumabog at magkahiwa-hiwalay upang muling mabuo. maliit ang kurot ng ibinatong kulangot, sa halip na ito'y humarang bumara lang at nakapuwing sayang ay muntik pang matapakan dulot ng taglay nitong kalakihan sa kailaliman na abot pusod pero balon ang katumbas. kaya sige pa at ituloy ang animo'y walang humpay na paghahanap sa hindi mawala-wala. nasa likod lang ng buwan. kasing daling tingnan ng araw. lalo na kung gabi't mapanglaw ka, walang kasama.
0
Jul 31, 2020
Jul 31, 2020 at 10:54 PM UTC
Sa Taas ng Batong Upuan Katabi ng Basurahan
Para kang basura na hindi itinapon sa basurahan Hindi mo alam kung irerecycle kpa ba o pababayaan na talaga Mabuti pa yung basura na nasa tamang lalagyan Alam nya na hanggang doon nalang Ikaw na pinabayaan, binatawan kung saan Walang maypakialam kung sino man ang dumaan Umaasa ka paring pupulutin at gagamitin ngunit ang totooy ikaw ay sadya ng tinalikuran.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 6:40 AM UTC
Basura