Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karl Gerald Saul Aug 2011
Kaibigan,



Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan?

May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan,

Sumasabay pa ang mga laway **** nagtatalsikan,

Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan.



Sa kanto,



Naalala mo pa ba ang ating istambayan?

Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush **** dadaan,

Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan,

Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan.



Sa tabing ilog,



Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan?

Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan,

Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian,

At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan.



Pagkatapos ng bakasyon,



sabay tayong pumapasok sa eskwelahan,

Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan,

Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan,

At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran.



At nung nagsembreak,



Asan ka na nga ba aking kaibigan?

Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan,

Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan,

Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan.
Elizabeth Oct 2015
Nasunog ang bahay namin-
noong labing tatlong taon ako.

Kasama roon ang paniniwalang,
bilog ang mundo.

Sapagkat,
sinunog ito ni Ina.
Chit Jun 2020
Paulit-ulit
Papalit-palit
Palipat-lipat
Ang usap-usapan
Sa bahay-bahayan
Ng mga tau-tauhan
Sa mga bara-barangay
Ng kung anu-anong
May biglang nagsunug-sunugan.

SUNOG!!! SUNOG!!!

Kunwa-kunwarian
Ng mga paslit-paslitan
Na naglalaro ng bahay-bahayan
Sa mga bara-barangay.

Hay naku naman....😅
Kuwento ng paulit-ulit
carapher Sep 2015
Minahal kita
higit pa sa inaakala kong
kayang magmahal ang isang tao.

Kung tutuusin
walang limitasyon ang pagmamahal nguni't
hindi natin maikakaila na pinipigilan natin ang mga sarili natin
sa pagmamahal ng higit pa
sa limitasyon
na ating ginagawa.
Pero kapag nakilala nila ang taong mahal ko
ngayon ay magiging isang tila
bahay-bahayan nalamang ng mga bata
ang limitasyon
kung saan ang akala nila'y
simpleng luto,
alaga ng bata,
at paghahalik sa asawa lamang
ang pagbahay;
napakarami pa kaysa sa kanilang inaakala.

Minahal kita na higit pa
sa inaakala kong hawak kamay
at
titigan lamang sa mata
at
pagtatanong kung anong ginawa mo ngayong araw na ito
at
pagbabati paggising ng umaga
at pagpaalam bago matulog sa gabi.

Salamat,
dahil natuto akong
magmahal kaysa sa inaakala kong
dapat
**** mahalin ang isang tao.
Naaalala ko pa noong musmos pa tayo palagi tayong nagtatampisaw sa ulan,
naglalaro ng tagu-taguan at ng paborito kong bahay-bahayan kung saan palaging sambit ng iyong maliit na bibig na ikaw yung nanay at ako naman yung tatay.
Nakakatuwa kase sa tuwing hindi ako sumasangayon, umiiyak ka at sinasabing, "ayaw mo ba akong maging asawa?".
At eto naman akong tatawanan ka at sasabihin, "tahan na, mukha kang tanga, pumapangit ka."
Tandang tanda ko pa kung paanong binuo natin ang mga alaala,
kung paano ka ngumiti ng abot hanggang tenga kapag tayo ay magkasama,
naaalala ko pa, tandang tanda ko pa kung ano ang itsura ng inosente **** mukha...
to be continued
Meynard Ilagan Feb 2020
Dumating na ang araw na kailangan na nating magpaalam sa isa't isa
Na bukas pagmulat ng mata ay di na kita masisilayan.
Yung ngiting sa pagbukas nito ikaw agad ang makikita.
Ayaw ko na ring isipin na ang landas kong tatahakin ay iba ng sa iyo, sapagkat sa lahat ang pinakamasakit ay umasa.
Sana kung dumating ang araw na muli kitang makita ay matandaan **** minsan sa iisang bayan tayo ay naghuntahan.
Tinawanan natin ang maraming bagay at nagpalitan tayo ng kwento ng buhay.
Noong panahong naiinitan ay sumilong tayo sa kubong bahay-bahayan.
Naglalakad tayo ng magkasabay habang ang puso'y mabilis na tumitibok.
Pusong di alam kung bibitaw o mananatili na lang.
Ngunit, kailangan nating maghiwalay at magpaalam.
Unti-unti dumulas ang malambot **** kamay sa akin.
Kasabay ng patak ng iyong luhang lalong nagpasakit sa damdamin.
Hanggang sa muli.
Paalam.
Juan45th Jan 11
Ito ang aking kwento.
Sa lib-lib na lugar,
sa gitna ng kapatagan,
sa tabi ng parang ay isang bahayan.

Sa dami ng mga aso,
yun ding unti ng tao.
Hindi mo nga mawari yaring
gabing kay tamlay,
Tunay nga't kay tindi, yaring
puso'y di maikubli.

Ikaw nga't andini,
ako nama'y wala sa sarili.
Ngunit ano mang sabihin
ay hindi rin maikukubli,
kaya't iyo ng marapatin, yaring
puso't dam-damin.

Ako nga'y lalayo,
ari namang puso'y iiwan
ko saiyo.

Iyo sanang alagaan at huwag
kalungkotan,
Itong aking paglisan ay isang
pangmadalian.

At sa aking pag balik,
dala ko'y regalo at sa simbahan
na tayo ay tutungo.

— The End —