Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Wretched Jul 2015
Hindi mo ko minahal.**

Hindi mo ko minahal.
Ginawa mo lang akong basahan,
isang tela na pupunitin
para lang matakpan at maalis
ang dumi mo para mag mukhang malinis
ka sa iba

Hindi mo ko minahal.
Nagsilbi lamang akong isang laruan
isang manikang matagal ng nakatago
sa iyong aparador
na gagalawin mo lang para ika'y malibang.

Hindi mo ko minahal.
Pinaasa mo lamang ako
na ako'y hindi mo iiwan
para lang ika'y hindi mawalan
ng masasandalan dahil alam ****
ako'y nariyan lamang.

Ilang beses kitang binuhay
tuwing nararamdaman ****
sarili mo'y ikaw ay pinapatay.
Ako ang kasama mo
ng mga panahong wala ka ng maiyakan
Tatlong taon akong nagpakatanga.
Hindi mo ko minahal.
Pero tangina
minahal kita.

Ngunit iyon ay matagal na panahon na.
Steph Dionisio Jul 2014
Ang totoo 'di tunay na alam,
sa kung paanong nito'y paraan, paano ipaparamdam,
itong pasasalamat na mula sa puso,
na ikaw rin mismo ang humubog at bumuo.

Sino ka nga ba sa aking buhay?
Anong katangian ang iyong itinataglay?
Bakit sa buhay, ika'y mahalaga?
Bakit kita kinakailangan sa tuwina?

Ako'y 'di mo lamang inilabas sa sinapupunan.
Sa akin ika'y nagmahal, nag-aruga, nagbigay ng aral.
Sa araw-araw na ika'y nakikita,
walang katumbas na saya ang tawagin kang "mama".

Kami'y walang kasing palad na mabiyayaan,
isang inang maganda, busilak ang kalooban.
Sa mga pagkakataon na ika'y nagalit,
Ni minsan sa ami'y 'di nagmalupit.

Pagod, hirap, sakripisyo, sa ami'y inilalaan,
walang pag-aalinlangang, ikaw ang ilaw ng tahanan.
O ano ang buhay kung wala ka?
Sa amin hatid mo ay labis na ligaya.

Di man masabi ang lahat sa munting tula,
'di man ito galing sa dalubhasa,
sa ikabuturan ng puso, ito'y nanggaling,
para sa isang dakilang inang wala ng niningning.

— The End —