Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kate Feb 9
ala-singko ng umaga. nakakabingi ang katahimikan ng pagsikat ng araw. walang tigil ang pagtakbo ng oras at tulad ng araw, nagsimula nanaman ang pangkaraniwang siklo ng buhay. patungo sa sintang paaralan na ang bawat yapak ay parang timbang ng daigdig na nakalubog sa aking mga balikat. hindi kayang buhatin kahit pa ng buong mundo sapagkat ako'y nag-iisa sa paglalakbay patungong españa.

sa bawat sulok ng maynila at mga kwento sa mga kalsadang ito, may mga paalala ng mga biyaheng hindi pa nararating at mga pangarap na patuloy hinahanap. sa kanto ng españa't lacson, sa kabila ng paghahanap at pag-asa, hindi natagpuan ang isa't isa. sa magkabilang sulok ng noval at dapitan, ang iyong mga imahe ay tila mga alaala na nakaukit sa pinakaloob ng aking isipan, kumakatok nang palaging handang buksan ang pintuan. bawat hakbang ko ay may kabigha-bighani **** presensya, subalit ang hinahanap kong pagtatagpo ay patuloy na umiwas sa akin, nag-iwan ng hinagpis at naglakbay nang walang direksyon.

"manong para po" ang aking bulong sa jeepney drayber na parang tinik na dumadaloy sa aking lalamunan, humihila at humihila sa mga alaala na tila mga bagyong dumaraan sa aking isipan. bawat sinag ng araw, bawat hagupit ng hampas ng hangin, ay parang himagsik ng damdamin na hindi ko maitago.

sa bawat kanto paikot ng españa, naroon ang mga multo ng ating nakaraan. mga anino ng mga alaala na hindi ko matakasan at sa bawat pagtatanong mo kung may pag-asa pa ba, ang bawat sagot ko ay tila mga punyal na tumatagos sa aking kalooban, nagsasabing wala nang dahilan para muling mangarap.ayaw ko nang lumakad sa landas ng nakaraan, na puno ng  mga bakas na minsan tayo'y nagtahup na patuloy na bumabalik at sumisira sa isipan.

at sa wakas, narito na ako sa dulo ng aking paglalakbay, ngunit ang landas na tinahak ay tila isang malawak na dagat, hindi alintana kung gaano karaming bagyo at baha ang dinaanan. at kung tatanungin mo ako kung pu-puwede pa ba, ang hihilingin ko sa iyo ay mga barya papalayo sa'yo. ayaw ko nang malunod sa unang daan na puno ng kahapon at mga alaalang tila multong ayaw umahon.

at sa bawat paghakbang ko patungo sa hinaharap, ang iyong alaala ay parang banta na nagbubulag-bulagan sa akin tuwing naglalakbay ako. nakakapangilabot. mahal pa rin kita. mahal pa rin pala kita.

hindi na kasingpait ng dati.
pero mahal, masakit pa.
i just love the streets of manila and the feeling of grief and longness without wanting the person back (hindi ako broken HAHAHAHA)
George Andres Aug 2016
Uy, gawa tayo ng tula
Kasi putang ina ng Maynila
Sa nayon ay dinadakila
Isang abot-kamay na tala

Kailan ka ba kakawala
Sa anino ng Maynila?
Umambon ay may baha
Selpon ay may kukuha

Walang pawis at luha
Walang ngiti ni tuwa
Kwartang pulos kaltas
Walang pambili ng bigas

Kapit kahit mapurol
Mga bundok ay gagawing burol
Nakakita ka na ba ng ulol?
Sa Maynila marami niyan,
buhol-buhol

Kung saan walang permanente
Maging sa suplay ng kuryente
Ang pamahalaan ang hinete
Tagasulsol naman ang gabinete

Kapatiran may kaputol
Basta't kumapit mala kuhol
May nakahihigit sa batas
Umangal ka at ika'y utas

Wala nang lunas
Wag ka nang lumuwas
Utang na loob kaibigan
Maawa ka sa iyong ksasadlakan
8316 WIP
Elizabeth Oct 2015
Magsusulat ako ng tula,
Ilulubog sa balde baldeng tubig,
Tila nalulunod na mga letra,
Sumasayaw sa imahinasyon ng bukas.

Ako'y batang naglalaro sa hangin,
Dala ang pait ng iyong alaala,
Ilalapit sa bukana ng langit,
**matapos lamang kita.

— The End —