Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
isha Jul 2019
Para kang tasa ng kape.
Ang init.
Ang pait.
Ang lupit.
Bakit ka ba ganyan kagalit?
Anong kasalanan ng mundo at bakit hindi mo magawang ngumiti?

Para kang tasa ng kape.
Ang pait.
Pero sana makita na ang buhay ay hindi laging masakit.

Para kang tasa ng kape.
Ang pait.
Ngunit hayaan mo sanang ako ang maging dahilan para ikaw ay magmahal ulit.


Kahit na mapait.
para sa taong nilamon ng kapaitan ng mundo.
jia Jul 2019
kung walang tatayo para sa bayan, sino?
ikaw na takot at naniniwala sa kuro-kuro?
ikaw na sanay na sa sistemang pabago-bago?
kung hindi tayo lalaban, sino?

sino bang dapat lumaban at makiaklas?
sino bang nandyan hanggang bukas?
sino bang nais humamon upang maging patas?
sino ba dapat ang kailangang tinitingala at tinitingnan sa itaas?

hindi ba't ikaw ang dapat gumawa ng paraan?
hindi ba't ikaw na mamamayan?
hindi ba't ikaw na Pilipino sa dugo at laman?
hindi ba't ikaw na anak ng bayan?

sa bawat siglong dadaan ay nanatili ang rebolusyon,
ang tanging kailangan ay pagmamahal sa nasyon.
mga aksyon natin dapat iayon,
kaya lumaban ka para sa sarili, sa bayan at sa susunod na henerasyon.
para sa bayan.

— The End —