Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA  Nov 2017
Pasensya, Pasensya
HYA Nov 2017
Patawad kung  ang aking mga likha ay hindi masasaya
Patawad kung ang aking mga piyesa'y hindi nakakatawa
Patawad kung hindi magaganda ang aking isinusulat
Patawad kung ginagawa ko ang mga iyon habang ang mga mata ay hindi nakamulat

Hindi ako magaling ngunit pinipilit ko
Pinipilit kong sumulat upang maipalabas ang nararamdaman
Ang mga pighati na noon pa nakakulong sa isipan
At kung ito lamang ang nag-iisang paraan

Subalit ang aking mga sulat ay mananatiling sulat lamang
Kung wala namang nag-aabang
Kaya salamat na rin pala
At binasa mo ang aking mga salita

Dahil sa iyo, nabibigyan sila ng halaga
Ang mga sinisimbolo ng bawat letra
Iba't ibang kahulugan ang iyong nabibigay
Iba't ibang kahulugan kung bakit ito nabubuhay

Kaya salamat at pasenya
Ngunit ito ay ang aking hustisya
Kung ayaw nyo na, sana'y wag ninyo ng ipilit
Sana ay may naramdamang bago saglit

Pasenya, mambabasa
Ngunit hindi ko babaguhin ang mga piyesa
Ako ay isang makata
Makatang meroong sariling hustisya
Hahahahaha emoooo
Mariazyka  Sep 2017
Pasensya na
Mariazyka Sep 2017
Pasensya na.

Pasensya na kung sinasabi ko paring paasa ka kahit alam kong umiiwas ka na.

Pasensya na.

Pasensya na sa mga kaibigan kong tinutukso parin ako sayo kahit siyang tumutukso naman talaga ang gusto mo. Diba?

Pasenya na.

Pasensya na kasi di ko alam kung ititigil ko ba to o ipagpapatuloy ko pa.

Pasensya na.

Pasensya na kasi di ko alam kung paano tumigil, lalo na't hati-hati ang isip ko.

Pasensya na.

Pasensya na kasi ang totoo, ayaw ko. Ayaw ko pang itigil to.

Pasensya na.

Pasensya na talaga. Pasensya na kasi tanga.
P̶i̶n̶a̶a̶s̶a̶ Umasa.
aphotic blue Aug 2017
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
©aphoticblue

— The End —