Kinikilig pati ang mga butuin Sa saliw ng iyong boses na malambing Nakadungaw sa bintana kahit lahat sila'y nakahimbing May kaba sa damdamin Paano bukas lahat sila'y magagalit? Si ama , hahabulin ka ng itak Natawa na lamang Ang mga braso ko'y hinatak Naglapit ang mga muka Muntik ng atakihin sa kaba Ang puso ko ata ay nahulog Nang si bantay ay umalulong Dali-dali ay nagtago Tinginan nati'y di pa rin nagbabago "Kailangan ko nang bumalik sa silid." ang wika ko Sabay dagling humalik sa sinta ko