Ang bawat buhay Ay binubuo ng mga pahina ng mga tula Ilang libong libro na may makakapal na kuwento At marahil ang ibaβy, sa unang pahina pa lamang Ay maroon na rin ang kanilang dulo.
Kakatha pa rin ang Bathala Kahit punitin man ng kadiliman. Lilikha gamit ang Kanyang hininga, Isang idlap, isang kurap Patuloy ang pagbibigay buhay at katuturan.
Sunugin man ang mga pahina, Dapuan man ng mga alikabok at mga insekto, Mabura man ang mga letra buhat sa mga patak ng ulan Ay mananatili pa rin ang mensaheβt nilalaman.
Sa huli, ang may Akda Ang tanging may hawak ng mga kasagutan Sa mga pahinang hindi natin alam Kung kailan nga ba ang katapusan.