Ilang beses pa ba tayong magpapaliguy-ligoy? Pagkat sa pagitan ng paghahasik ng dilim At sa pagsilang ng araw ay doon tayo magsisipag-sulpotan?
Hindi ba tayo mapapagod? At hanggang kailan ba natin ito kayang ipagpatuloy? Ganitong estado ng pamumuhay rin ba Ang nais nating ipagmalaki't ipasa sa ating mga anak?
Pandemya nga lang ba? O kahit hindi naman gipit Ay ito na ang pamamaraan natin?
Kaninang madaling araw, may pumasok sa aming bakuran. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi ata namin namalayan. Wala man kayong nakuha ngayon, sana dumating kayo sa puntong hindi na maging madilim ang inyong mga paningin. Sana hindi mangyari sa inyo ang mga bagay na inyong kinasanayang gawin. Sana matuto rin kayong maging patas sa kabila ng hindi pagiging patas ng panahon. At tandan n'yo, hindi lang kayo ang hirap sa buhay.