Tumulo ang aking luha nang makita ang larawan sa nakaraan Ang Dami na palang nagbago,pansin ko ang mga ngiti nila dito Makikita mo rin ang mabilis na pagpalit ng imahe nila erpats at ermats Bata pa sila non at ako wala pang kamuwang-muwang kundi maging masaya
Nakakatuwang nakakalungkot dahil hindi na natin maibabalik ang dati Panahong kailangan kong matulog ng tanghali para daw lumaki Napalo pa nga ako dahil sa pagsuway sa kanilang mga sinasabi Naalala ko pa nga nung binaril ko si erpats ng Baril-barilan na kanyang binili
Nakakamiss ang ganitong mga bagay sa isang lumang larawan Kahit naibaon na , puno ng alikabok , talagang maalala mo ang dati Minsan mapapangiti ka nalang na may kasamang luha pero lagi **** tatandaan , masarap balikan ang nakaraan pero mas kailangan natin bigyang pansin ang kasalukuyan.