Kinunan kita ng larawan noon Noong mga panahong wala pang "tayo" Pasensya kung di mo alam, Pasensya kung nagnakaw ako ng sandali.
Naisip ko kasing imposible Na imposibleng maging tayo Kaya itinago ko ang lahat sayo Maging ang tanging larawang "Maging tayo."
Hindi ko magawang usisain ka nang harapan O yayain kang sumama saking sining Ayokong makupas ka sa larawan Ayokong paulit-ulit kitang balikan At magsisi ako At masambit ko ang salitang "sayang."
Natakot akong sa iisang larawan ay makulong tayo Sa ginawa-gawa ko lang na sanang "tayo" At manatiling hanggang doon na lamang Ang pag-ibig na sana'y sayo rin ay totoo.
Ilang beses kitang inaaninag pag nakatalikod ka Pero alam mo, at sana kung alam mo lang -- Tumalikod ka man, Mahal pa rin kita.