Iniibig Kita Gaya ng panata ko sa Pilipinas Ipagmamalaki saanmang dako Mo ipasayad Ang minsang nalulumpo kong pagkatao Buhat sa minsang ding pagmamataas ko.
Mas ipagsisigawan kong Ikaw ang kalakasan ko Ang kalasag sa bawat oras Na gusto ko nang huminto Na gusto ko nang sumuko Na gusto ko nang magpatalo.
Gaya ng aking panata Sa bansang pinagsilangan ko Mas paninindigan na Kita At hindi ko dudungisan ang Ngalan Mo Pagkat Ikaw ang tanging baluti ko -- Ang panatang alam kong *Di ko kayang talikuran pa.