Mahirap ibigay ang tiwala Kung minsan na itong nabalewala Oo, alam kong nasaktan ka niya Pero tatandaan **** hindi ako siya
Dahil hindi ako tanga, at hindi uto-uto Bata man ako'y alam ko ang totoo Malambing sa salita, ngunit salamin ba sa gawa Matamis ang galaw ngunit matalas ang dila
Takot at hiya, di mapagkakaila At hindi masisi sa mga paniniwala Pagkat ito ang nakagawian, mulat sa sakit Kaya't malakas man sa labas ay mahina parin ang kapit
Saan makikinig, kanan o kaliwa? Ubos na ang sarili, wala na sa diwa Walang patunay na magaganap Walang korteng tatanggap
Isa, dalawa, tatlo Ako ba ang kinakatok mo? Mga tanong na walang sagot Sadyang daan lang ba at kalimot?
You can never really be 100% sure of the future. Nothing can and will Be set in stone. Doubt is acceptable, With reservations.