Kung binigyan mo lang ako ng isa pang sandali maaring ngayon ay may bukas na ngunit tila ang araw ay naging gabi at ang gabi ay ikaw
ang nota ay ang paulit-ulit **** paglisan sa gitna ng tahimik na alingawngaw ng dilim nang malapit na ang araw sa madali at nang ang tiwala ay natutulog pa sa kuna
umalis ka.
pagkatapos ng iyong mga nagsusumamong halinghing ng mga umiiyak na βmahal kitaβ at ng mga bulong ng pangangailangan
umalis ka.
kasabay ng aking pagsuko sa iyong mga iyak at kung kailan ang pagtangis ng puso ko ay mahal na din kita
umalis ka.
Sa gitna ng gabi kung kailan paparating pa lang ang araw
umalis ka.
kung binigyan mo lang ako ng isa pang sandali at inantay mo ang umaga, sana ngayon sa akin ay may bukas na.