Ilang tao na ang dumaan, Ilang problema na ang pinasan, Ngunit walang sumalo nung ako’y nahulog, Duguan ang aking mga tuhod.
Umiyak sa sulok, Mga panahong ako’y nagmukmok, Walang nakapansin sa mga matang malungkot, Dahil sa mga ngiting tinatago ang takot.
Marahil lahat ng tao ay ganoon, Para maiwasan ang lungkot sa ibang bagay nakatuon. Pero hindi ba dapat alam mo na? Hindi na dapat sabihin o tanungin pa.
Ang ngiti ay isang maskara, Na may pusong onti-onti nang nagsasara, Pagod na magbigay saya, Sa taong akala niya pinahahalagahan siya.
Ngunit sa oras na onti nalang ang butas, Sa pintong may posibilidad na hindi na maaaring bumukas, Dumating ang isang taong hindi inaasahan, Inayos ang dating malungkot at magulong tahanan.