May linyang pahalang at patayo, Ni hindi magpapatisod sa pising sinusuyo. Sila’y liliko sa bawat espayo, Bagkus Ako’y sa’yong puso ang tungo.
Mag-aabang sa bawat palapag, Sana sa beranda’y, ikaw ang siyang umaga. Sana sa kusina’y maihain ang tama – Tamang timpla ng walang tagas na pagsinta.
Isasantabi Ko ang mga butil na balakid, Hahaluin ang konkretong sabaw ay sirit ng pag-ibig. Papalitadahan natin ang kisameng may bituin, At doon tayo niningas ng panimulang may layunin.
Irog, ang puso Ko’y nasa hulog at hinog, Kasingputi ng pinturang pantapal sa putikan **** suot. Nang minsang nilukot ang puso **** papel, Ni hindi ito nayuraka’t nalumot sa lente Kong nasa lebel.
Hayaan **** iguhit Ko ang bukas, Nang pundasyo’y uugat sa bato’t di patutumba. Hubad at bitak-bitak ang luwad **** pagkatao, Kaya’t di hahayaang kontratahin ng iba. At sa akin sana’y magpaubaya ng “Oo” Nang maging ako na ang butihin **** Arkitekto.