Alam kong sayo ang sakay Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo Nang minsang inabanga'y Nakaligtaang arkelado pala.
Nag-abang ako, Pumara ng iba Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta.
Ibang kalsada, Naglakad akong muli Oo, mas napagod May paltos at kalyo ang mga paa Sana'y naghintay na lang ako sayo Kahit walang kasiguraduhang Magbabalik para paangkasin.
Bukas makalawa, Sa panahong hindi mala-Cinderella, Daraan kang muli Hihinto kahit di parahin, Aalukin akong sumakay Pagkat naihatid mo na ang iba.
Ako marahil ang huling pasahero Bagkus alam kong may bakanteng silya Silyang inilaan at palaging pinapagpagan Nang hindi maalikabuka't Maihanda sa oras na nakalaan.
Sasakay ako nang dahan-dahan, Hindi gaya ng dating may pagmamadali, Titingnan kong maigi ang hagdanan Nang hindi ako matalisod At may mahawakan.
Sasakay akong may panibagong pag-asa Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan Marahil hihintong muli ang sasakyan Bagkus totoo nga't Makabababa na sa tamang hantungan.