Siya ay parang ulan Kay tagal **** hinintay Sa panahon ng tag init, Na sa pag dating nito Ay maiibsan ang sakit
Na dala ng sunog Sa iyong katawan.
Na dala ng init Na nang gagaling sa kaniyang mga halik.
Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib Pero siya padin ang iyong hinihimig.
Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo. Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan. Umaasang na siya'y iyong mahahawakan. Pero wag kang magpaka tanga.
Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya.
Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan
Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari,
Siya ay pangpataba ng lupa. Wag kang maging hadlang, Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan.
Pero wag kang magalala.
Hindi ko ba nasabi sa iyo Na ikay isang puno, Na paparating na ang tag sibon. At ngayon mo lang mapagtatanto Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga,
"Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho"
"Halika tayo'y muling mag simula."
Ang ulan ay para sa mga halaman na atin ng nakalimutan, at inakalang patay na, pero mayroong pang tutubong bunga. Parang puno ng kalachuchi.