Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Elmo Cross Dec 2018
Maraming tao ang nagtatanong
Bakit hindi ako nagsasawa sa kanya
Andaming taong nagtatanong
Ano bang meron at gustong gusto ko siya

Simula nung una ko siyang makita
Naramdaman ko na siya na
Siya na ang bubuo sa mundong kulang
Kulang ng kanyang ganda at kabaitan

Ganda niya ay bukod tangi
Tingin niya ay nakasasabik
Wala akong ibang gustong makita
Kundi ang kanyang matamis na mga mata

Hindi ko rin talaga alam
Kung bakit gustong gusto ko siya
Kung sa tutuusin
Ay marami naman ang mas maganda sa kanya

Siguro ito na nga ang pag-ibig
Hindi nakatingin sa panlabas na anyo
Ngunit tapat at desidido
Sa taong gustong **** maging kalaguyo
Minsan ako ay nagugulat sa aking pagiging tapat sa kanya. Kung tutuusin ay matagal na dapat akong nagkaroon ng ibang gusto dito sa unibersidad pero hinde. Mahal ko siya at patuloy akong iibig sa kanya hanggat sa mawalan na talaga ako ng pag-asa.
HYA Jan 2018
Sa gitna ng aking pakikipagtalastasan
Ako'y iyong kinamuhian
Ika'y tinignan sa mga mata
At doon ko natanto ang pagkakasala

Ng aking plumang nasa kamay
Ng mga salitang handa kong ialay
Sa mga bathala kapalit ang iyong buhay
Kahit na ang sarili'y mawalan ng malay

Binilang ko ang mga salitang aking nabanggit
Iniwan ko ang mga alaalang aking nakamit
Sa aking pakikipagtalastasan
Sadyang ang aking kaluluwa'y naiwan

Sa gitna ng hita ng magandang dyosa
Habang siya'y umiiyak at nagdurusa
Doon, doon ako naiwan
Sa inakala kong kalangitan

Masahol pa sa impyerno ang aking nadama
Totoo nga na ang aking pagkakasala ay masama
Isasaulo ko ang lahat ng nalalaman
Kahit na masahol pa ang mga ito sa masamang halaman

Ngunit, sa ngayon, ika'y tatanungin
Ano nga ba ang kasalanan na dapat kong angkinin?
Yung  pinapagalitan ka dahil sa kasalanang hindi mo ginawa HAHAHAHAHays
Marlo Cabrera Aug 2015
Siya ay parang ulan
Kay tagal **** hinintay
Sa panahon ng tag init,
Na sa pag dating nito
Ay maiibsan ang sakit

Na dala ng sunog
Sa iyong katawan.

Na dala ng init
Na nang gagaling sa kaniyang mga halik.

Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib
Pero siya padin ang iyong hinihimig.

Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo.
Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan.
Umaasang na siya'y iyong mahahawakan.
Pero wag kang magpaka tanga.

Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya.

Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan

Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari,

Siya ay pangpataba ng lupa.
Wag kang maging hadlang,
Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan.

Pero wag kang magalala.

Hindi ko ba nasabi sa iyo
Na ikay isang puno,
Na paparating na ang tag sibon.
At ngayon mo lang mapagtatanto
Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga,

"Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho"

"Halika tayo'y muling mag simula."
Ang ulan ay para sa mga halaman na atin ng nakalimutan, at inakalang patay na, pero mayroong pang tutubong bunga. Parang puno ng kalachuchi.

— The End —