Hiling ko sana'y isa akong maong na pantalon sa buhay mo Kahit kupas at luma na ay ako pa din ang paborito Pero para kang bata na ang gusto lagi ay bago Mahirap ba maging kuntento?
Ganun naman talaga sa isang relasyon diba Dumadating din sa punto na wala ng kasasabikan Kaya lang madalas nauunahan tayo ng mahinang damdamin Kaya nauuwi na lang sa sakitan at hiwalayan
Yung isa patuloy na pinaglalaban ang pagmamahal Kasi yung tao ang mahal nya Hindi yung mga bagong bagay na makakapagpasaya o magpapakilig Dahil presensya pa lang ng mahal nya ay sapat na
Yung isa ay patuloy na naghahanap ng bago Kaya natakpan ang mga mata ng kanyang puso Hindi na makita ang mga ginagawa para sa kanya Tuluyang nabulag sa ideya na pag bago masaya
Hindi na ako natuto Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo Minsan ako'y tutulungan Minsan ay hahayaan
Para kang isang elevator Dadalhin mo ako sa 9th floor Tapos iiwan mo ako doon Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button
Ang gulo-gulo na ng aking isip Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa dagsin ng aking pagmamahal
Ikaw yung paborito kong patibong Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong