Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2020 · 1.2k
Ako Lang Pala
Selena Dela Cruz Jan 2020
Ikaw at ako
Oo, ikaw at ako na magkahawak ang mga kamay
Ikaw ang lagi kong nakikita para bang ikaw ang bukang liwayway
Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking buhay

Ikaw
Ikaw ang paboritong titigan ng aking mga mata
Ikaw lagi ang laman ng aking isipan
Ikaw lagi ang nakikita sa umaga hanggang sa pagtulog
Ngunit, nakikita mo rin ba ako?

Ikaw
Oo, ikaw
Ikaw na may hawak ng aking mga kamay
Ako
Ako?
Ako na nakatanaw sa'yo na may ngiti sa iyong labi
Nakakatawang isipin na sana'y sa akin mo inaalay
Natatawa ako sa aking sarili malamang kayo rin
Ako lang pala ang nagpapakalunod sa aking mga guni-guni
Jan 2020 · 285
Pwede Ba?
Selena Dela Cruz Jan 2020
Mahal,  pwede ba na tayong dalawa lang?
Pumunta tayo sa isang lugar na kung saan mayroon lang na ikaw at ako
Gusto kong lumayo sa kung saan ako nanggaling
Kung ako ay mamamalagi, mas gusto ko pang magpalibing

Mahal, pwede bang hawakan mo ang aking kamay?
Habang tayo ay naglalakbay
Tayo ay tatakbo, tatakbo ng malayo
Yung tipong hindi na alam kung saan tayo patungo

Gusto ko nang lumayo
Pwede ba na pumunta ako sa iyo?
Yayakapin kang mahigpit habang nakapikit
Ibabaon ang aking mukha, at lalong lalapit

Gusto kong tumakbo papalayo sa pinanggalingan ko
Kung pwede lang na samahan mo ako
Ngunit napagtanto ko na hanggang pangarap lang kita
Gusto kong sumaya na kasama ka
Kung pwede lang talaga

— The End —